KABANATA 22

74.1K 2.3K 478
                                    

"Bakit alam mo ang tungkol sa anak ko?" mariing tanong ko.

Napalunok si Zamir. "My friend told me about it... when I was still in jail."

Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko at kinuyom ang kamao... "Wala kang anak sa akin, Zamir. Wala kang karapatan sa anak ko."

"I know I did nothing when you needed me... I have no right to be called a father. But... I'm willing to do anything. I will do anything. I'll wait for you to finally allow me to see our child," sinabi niya sa mahinang boses. Tila ba sinasabi niya hindi niya pupuntahan ang anak ko kapag hindi ako pumayag.

Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi. "Wala akong balak payagan kang makita ang anak ko, Zamir. 'Wag ka nang umasa. Sa'yo na mismo nanggaling, wala kang karapatan."

Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita. Agad akong lumabas ng bahay niya. Bahagyang nanginginig pa ang mga kamay ko nang makasakay ako sa kotse.

Hindi naman dapat ako kabahan dahil kung iisipin, wala naman talagang karapatan si Zamir. Kahit pa idaan niya 'to sa korte, hindi siya mapagbibigyan lalo pa't may criminal record siya... Desidido ako sa desisyon ko na ipagkait si Nathan sa kaniya. Wala akong pakialam kung sabihan pa ako ng lahat na masama at makasarili... Hindi nila alam ang pinagdaanan ko. Iingatan at poprotektahan ko ang anak ko sa paraan na alam ko.

Napabuntonghininga ako nang makauwi. Agad akong nagshower at nagpalit ng komportableng damit saka dumiretso sa silid ni Nathan. Naabutan ko siyang nanonood ng cartoons. Napangiti ako at pumasok sa loob saka umupo sa kama niya.

"Mama!" Yumakap siya agad sa'kin saka humalik sa pisngi ko.

Napangiti naman ako at gumanti nang mainit na yakap sa kaniya saka hinaplos ang buhok niya. "Hello, anak ko. Kumusta ang araw mo?" tanong ko.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin saka ngumiti. Napangiti rin ako... parang nawawala ang lahat ng iniisip ko kapag nakikita ko ang anak ko ng ganito.

"Okay naman po, Mama. Pero sinabi po ni teacher na kailangan daw po na um-attend po ang family sa gaganapin po na program sa school," paliwanag niya. "Busy ka po Mama?"

Ngumiti ako saka humalik sa noo niya. "Ano ka ba, 'nak? Siyempre pupunta ako ro'n para sa'yo."

Napangiti si Nathan saka yumakap sa'kin. "Thank you po, Mama. I love you."

Gumanti ako ng yakap sa kaniya. "Mahal na mahal din kita, anak..." Hinaplos ko ang buhok niya.

Natigilan ako nang mapatingin sa drawing na nasa bedside table niya. Drawing 'yon ng stick man na bata kasama ang Mama at Papa niya. May pangalan niya ang bata, nakalagay rin ang pangalan ko sa Mama... iginuhit niya pa rin ang Papa kahit na walang pangalan o hindi niya kilala.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at tumingin kay Nathan na inosenteng nakatingin sa akin. Hinaplos ko ang pisngi niya saka tipid na ngumiti.

"Anak... bakit may kasama kang Papa sa drawing?" tanong ko sa mahinang boses saka itinuro ang drawing niya.

"Mama, lahat po ng tao may Papa. Kahit po nasa heaven na, or nasa malayong place... may Papa pa rin po ako. Kasi wala po ako world if wala po akong Papa. Sabi po ni teacher 'yun," paliwanag niya naman.

Tila may naramdaman ako sa puso ko na hindi ko maipaliwanag. Palagi ngang itinatanong sa'kin ni Nathan ang tungkol sa Papa niya noon... pero nang mapansin niya na palagi akong nagdadahilan... hindi na siya nagtanong pa ulit. Pero alam ko... gusto niya rin malaman, pero ayaw na niya akong pilitin.

Naramdaman kong nanlabo ang paningin ko dahil sa luhang namumuo sa mga mata ko. Napaka bait na bata ng anak ko... kaya naaawa ako sa kaniya dahil nasa ganito siyang sitwasyon. Kung sana ay iba na lang ang naging ama niya.

Flawed Series 1: Lost in His FireDonde viven las historias. Descúbrelo ahora