KABANATA 21

74.6K 2.5K 1.4K
                                    

Napaiwas ng tingin sa'kin si Zamir. Pinilit kong hindi magpakita ng reaksyon at nanatiling nakatingin sa kaniya. Tipid na ngumiti na lang ako at tumingin kay Mr. Abella.

"Siya po ang partner ko?" tanong ko pa. Sinisiguro ko kung tama ba ang narinig ko.

"Yes, Ms. Garcia..." sagot niya naman.

Napahawak ako sa sentido ko... Hindi ko alam kung aatras ba ako rito o hindi. Malaking project ito... malaki ang bayad. At isa pa, kung tatanggihan ko ang project na 'to nang walang maayos na dahilan, baka masira ako sa Utopia Corp. at hindi na umulit pa sa amin. Isa sila sa pinaka malaki naming kliyente.

Napatingin ako kay Zamir na nanatiling tahimik at walang kibo. Pasimple ko siyang hinagod ng tingin. Tila wala siyang pinagbago... siguro ay tumangkad nang kaunti. Napailing ako at napahawak sa sentido ko... Paano ba ang gagawin ko?

Natigilan kami nang may lalaking pumasok sa opisina saka lumapit kay Zamir. Sa pagkakatanda ko, ito ay isa ring boss ng kilalang architectural firm. Hindi ko lang matandaan ang pangalan, dahil wala rin naman akong pakialam.

Tinapik ng lalaki ang balikat ni Zamir. Nag-angat naman ng tingin si Zamir at tumingin sa kaniya. "Sir..." magalang na sinabi ni Zamir sa lalaki.

Tumingin ang lalaki sa'min saka ngumiti. "I'm Hernando Solon. Ako ang amo ni Zamir." Ngumiti sa akin ang lalaki. "You're the talented Architect Elaine Garcia, right?" Muli niyang tinapik ang balikat ni Zamir. "Zamir Castellon will be your partner. Please use him and his ideas to your heart's content, and the credits will be yours alone."

Muling napakunot ang noo ko. "I still don't get it, Mr. Solon. Bakit sa akin lang ang credits for this project? Bakit kailangang gano'n?" hindi ko napigilang itanong.

Nagkatinginan si Mr. Solon at Mr. Abella. Napakamot sila sa kilay at batok. Mas lalo akong naguluhan. Tumingin ako kay Zamir na wala pa ring imik at nakatingin lang sa mesa.

"Ms. Garcia, you just have to do this job with Zamir. You just have to work with him in secret and don't tell anyone about him for the sake of Utopia Corp. and besides, nasa sa'yo naman ang credits pagkatapos. Mababayaran ka rin nang malaki. Siguro naman wala ka na dapat problema ro'n," seryosong sabi ni Mr. Abella.

Napabuga ako ng hangin. "Mr. Abella..." Inayos ko ang suot kong suit. "Wala po akong problema hangga't kumikita ako ng pera... pero dahil involved ako rito... siguro naman dapat kong malaman ang mga dapat kong malaman tungkol sa project na 'to... pati na rin sa magiging partner ko," sabi ko saka binalingan ng tingin si Zamir. Napataas ang kilay ko at muling tumingin kay Mr. Abella. "Hindi po ako basta utusan dito... kaya sabihin niyo sa'kin ang problema," mariing sinabi ko.

Oo nga at mas mataas nang kaunti ang posisyon niya sa'kin, pero hindi ibig sabihin na basta na lang ako susunod sa kaniya. Ang kapal din naman ng mukha niya.

Napabuga ng hangin si Mr. Abella. "You're talented... but you're such a headache," tila napapailing na sabi.

Tila nawala na sa isip ko na dapat ko siyang igalang.

Ngumiti ako sa kaniya saka pinagkrus ang mga braso ko. "Alam mo naman po pala, Sir... Kaya ano pa po ang hinihintay niyo... sabihin niyo sa akin ang dapat kong malaman."

Si Mr. Solon ang sumagot. "Zamir has a criminal record. Utopia doesn't want involvement with an architect who has a criminal record."

Natigilan ako sa sinabi niya. Agad na napataas ang kilay ko saka napangisi. Itinuro ko si Zamir. "Kung gano'n... gusto niyo po akong magtrabaho kasama ang kriminal?"

Sa totoo lang ay nagulat ako sa nalaman... pero siguro hindi ko na rin dapat 'yon ikagulat. Halatang nalulong siya sa droga noon... baka may ginawa siyang kagaguhan o ano. Wala na akong pakialam. Gusto ko lang na wala siya paligid ko ulit.

Flawed Series 1: Lost in His FireWhere stories live. Discover now