KABANATA 14

105K 3K 811
                                    

"Senyorito... gusto ko po sana na lumabas tayo bukas."

Halatang natigilan si senyorito sa sinabi ko at napatingin sa akin. Nakahiga kami ngayon sa kama n'ya habang nakaunan ako sa bisig n'ya. Hindi na muna ako uuwi ngayon, sanay na naman sina nanay dahil may mga pagkakataon na hindi ako nakakauwi dahil sa trabaho... nakokonsensya tuloy ako dahil sa paglilihim ko sa kanila. 

"Okay, I'll do everything you want tomorrow," bulong n'ya saka dinampian ng halik ang sentido ko. 

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko nang hawakan n'ya ang kamay ko at ipinatong 'yon  sa ibabaw ng matipuno n'yang dibdib. Napakagat na lang ako sa loob ng pisngi ko dahil pakiramdam ko talagang nag-iinit na ang buong mukha ko, hindi ko malaman ang dahilan. 

"S-senyorito, pwede po bang kantahan mo ako?" tanong ko saka tumingin sa kan'ya. 

Halatang natigilan siya at napatingin sa akin, bahagya pang napakunot ang noo n'ya. "What?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko. "H-hindi po kasi ako makatulog, p-pero kung ayaw mo, okay lang po," bulong ko na lang saka napahawak din sa kamay n'ya.

Napabuntonghininga si Senyorito Zamir. "Okay, I'll sing for you."

Napangiti ako sa sinabi n'ya, dahil sa pagka-excite, napaupo pa ako mula sa pagkakahiga. Bumangon na lang din si senyorito at umupo saka isinandal ang likod sa headboard ng kama. Hinawakan n'ya ang braso ko at pinapwesto ako sa pagitan ng nakabuka n'yang mga hita. Yumakap siya sa baywang ko saka ikinulong ako sa mga bisig n'ya. Agad namang nag-init ang pisngi ko. 

"What do you want me to sing for you?" anas n'ya sa tainga ko. Halos nagtayuan ang mga balahibo ko dahil sa malalim n'yang boses. 

"K-Kahit ano po, senyorito," napapangiting sabi ko na lang. 

Napatango na lang siya saka tumikhim. "I don't know a lot of new songs, I mostly listen to instrumental and classical music so please bear with me," bulong n'ya saka dinampian ng halik ang balikat ko. 

Napalunok na lang ako saka tumango. Ang sarap sa pakiramdam ng yakap at halik ni senyorito, pakiramdam ko ligtas na ligtas ako sa mga bisig n'ya kahit pa matigas ang mga 'yon. 

"You are so beautiful... to me
You are so beautiful... to me
Can't you see..."

Napalunok ako nang magsimula nang kumanta si Senyorito Zamir. Hindi ko inaasahan na maganda ang boses n'ya. Halos mapapikit agad ako dahil ramdam na ramdam ko ang bawat salitang kinakanta n'ya, tila binubulong n'ya iyon sa akin. 

"You're everything I hoped for
You're everything I need
You are so beautiful to me
You are so beautiful to me..." 

Napasandal ako sa dibdib n'ya at bahagyang napangiti. Hindi naman siya kumontra at hinaplos lang ang buhok ko... Ang bilis ng tibok ng puso ko sa mga oras na 'to. Para akong dinadala sa alapaap dahil sa maganda at malambing na boses ng senyorito. 

"You are so beautiful... to me
Can't you see
You're everything I hoped for
Every, everything I need
You are so beautiful to me..."

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko nang matapos siyang kumanta. Napatingin ako kay Senyorito Zamir, sakto na nakatitig din siya sa akin. Malambot ang ekspresyon ng mga mata n'ya habang titig na titig sa akin. Napayakap na lang ako sa baywang n'ya at napangiti. 

"Salamat po, senyorito. Sobrang saya ko," anas ko habang nakatitig sa kan'ya at nakangiti. 

Napalunok siya habang nakatitig sa akin. Kahit madilim, hindi nakawala sa paningin ko ang matinding pamumula ng tainga n'ya. Halatang nataranta siya kaya napayakap na lang siya sa akin saka isinubsob ang mukha sa kurba ng leeg ko. 

Flawed Series 1: Lost in His FireWhere stories live. Discover now