KABANATA 12

98K 2.9K 1K
                                    

Hindi ko pa rin maiwasang mapangiti sa tuuwing naaalala ko ang nangyari sa amin ni senyorito kagabi. Unti-unti na talaga siyang nagbabago sa paningin ko. Mukhang hindi naman pala siya ganoong kasama kagaya ng inaasahan ko. 

"Elaine, bakit parang hindi maayos ang paglalakad mo?" tanong ni Ria. 

Napatigil ako sa pagmo-mop at napatingin sa kan'ya. Bahagyang nag-init ang mukha ko sa tanong n'ya. Napakamot na lang ako sa batok ko bago sumagot. "A-Ano... Nadulas kasi ako kagabi sa banyo," sabi ko na lang saka muling tumuloy sa paglilinis. 

"Clumsy ka talaga... Ah, teka, bakit pala bigla kang nawala sa bahay-aliwan? Alalang alala ako sa 'yo dahil hindi kita mahagilap," nag-aalalang sinabi n'ya. 

"A-Ah, ano kasi... H-Hindi na ako magtatrabaho sa bahay-aliwan. Hindi na kasi ako pinapayagan nina Nanay," pagdadahilan ko na lang. 

"Ah gano'n ba?" Napatango siya. "Sige ha, sa kusina muna 'ko."

Tumango na lang ako saka muling nag-mop. Natigilan lang ako nang makarinig ng maingay na takong. Napatingin ako sa pinanggalingan no'n ngunit agad akong napatungo nang makitang si Senyora Eleanor iyon. Hangga't maaari ay iniiwasan kong makasalubong ang senyora lalo kapag wala siyang kausap sa phone. Minsan ay mainit din ang dugo n'ya sa akin nang walang dahilan. Nasabi sa akin ni Nanay na hindi naging maganda ang relasyon nila ng senyora dahil madalas nagsasalita si Nanay pati na rin si Tatay kapag may ginagawang hindi maganda ang senyora. Sina Nanay kasi ang tipo na hindi basta tumatahimik kapag may nakikitang mali. Hindi sinabi sa akin ni Nanay nang detalyado ang tungkol doon.

Madalang ko rin namang makita ang senyora sa mansyon kaya hindi siya gaanong problema sa akin. Pero kapag nakikita n'ya ako lalo at hindi siya gaanong abala sa hacienda, talagang pinag-iinitan ako nitong maigi. Mukhang sa akin n'ya ibinubunton ang inis n'ya sa mga magulang ko. Tinitiis ko na lang talaga dahil sayang din ang kinikita ko rito at minsan lang din naman nangyayari ang mga ganoong sitwasyon. 

"Elaine!"

Napapitlag ako nang tawagin ako ng senyora. Napalunok ako saka tumingin sa kan'ya at tipid na ngumiti. "B-Bakit po, Senyora Eleanor?"

Napataas ang kilay ng senyora saka tumingin sa hawak kong mop. "Mukhang masyadong madali ang trabaho mo rito... Nasasayang lang yata ang ibinabayad namin sa 'yo."

"P-Po?" tanong ko na lang. Hindi ko mapigilang kabahan. 

"Wipe the floor again, but don't use map. Kumuha ka ng basahan at kamayin mo ang--" naputol ang sasabihin ng senyora. 

"Old hag." 

Natigilan kaming pareho nang marinig ang boses ni Senyorito Zamir. Tanging jogging pants lang ang suot nito at wala na namang damit pang-itaas. Lumapit siya kay Senyora Eleanor, pasimple pa siyang napatingin sa akin. 

"Ano na naman ang kailangan mo?!" asik ng senyora kay senyorito. 

"I have to talk to you about something," sabi ni Senyorito saka muling tumingin sa akin. 

Natigilan ako nang senyasan n'ya ako na umalis. Kahit nagtataka, tumango na lang ako at tahimik na umalis doon. Narinig ko pa ang galit na sigaw ng senyora bago ako tuluyang makaalis. 

Nang makalayo na ako sa kanila, napabuga ako ng hangin at napasapo sa dibdib ko. Napakagat na lang ako sa loob ng pisngi ko nang mapagtanto ang ginawa ni senyorito. Pakiramdam ko ay nag-iinit na naman ang mukha ko. Marahang tinampal-tampal ko ang mukha ko upang pakalmahin ang sarili. 

Bumuga na lang ako ng hangin at bumalik na sa trabaho, ngunit hindi maalis ang senyorito sa isip ko. Halos buong oras na nagtatrabaho ako ay naiisip ko siya.

Flawed Series 1: Lost in His FireWhere stories live. Discover now