KABANATA 17

82.3K 2.1K 615
                                    

From: Zamir

Good morning, Elaine. I want to see you already. Don't exhaust yourself too much.

Napangiti na lang ako nang mabasa ang text ni Zamir. Agad naman akong nagtipa ng reply sa kaniya.

Magandang umaga. Wag kang magpagutom.

Napahawak na lang ako sa baba ko habang nakatitig sa text ko sa kaniya. Okay na ba ito? Baka naman masyadong tipid at plain. Napailing ako at muling nagtipa ng isa pang message sa kaniya.

Excited na akong makita ka 😊🥰😍😘🐥🦄☘️🌷⭐️☀️🌝🔍

"Huy..."

Napapitlag ako nang tapikin ni Ria ang balikat ko. Napalunok ako at itinago ang phone ko sa bulsa ng apron saka nagtatakang tumingin sa kaniya. "B-bakit?"

"Anong meron? Bakit parang palagi kang blooming nitong mga nakaraang araw? Parang lagi kang glowing kumbaga... lagi ring good mood. Anong meron, ha?" tanong niya saka naningkit ang mga mata.

"W-wala naman..." sabi ko na lang saka napakamot sa batok ko.

"Ay sus. Kilalang kilala kita Maria Elaine... Siguro, may boyfriend ka na?" tanong niya pa.

Nag-init naman ang pisngi ko sa sinabi niya. "W-wala pa akong boyfriend, Ria."

"Ah, so... nanliligaw pa lang? Okay, goods 'yan," napapatangong sabi pa niya.

"R-Ria..."

Seryosong tumingin sa'kin si Ria saka humawak sa kamay ko. "Masaya ako na makita kang masaya, Elaine. Deserve mo lahat ng kasiyahan sa mundo. Kaso... nag-aalala lang ako. Masyado kang inosente, Elaine. Wala kang ideya sa mga bagay na pasikot-sikot sa utak ng mga lalaki... Kaya sana, kung sino man ang nagpapasaya sa'yo ngayon ay 'wag kang saktan. Isa ka sa mga kaibigan ko na pinak ayaw kong masaktan."

Natigilan ako sa sinabi ni Ria. Humawak ako sa kamay niya at ngumiti sa kaniya. "Salamat, Ria. Alam kong nag-aalala ka lang para sa'kin... Salamat dahil palagi kang nasa tabi ko. 'Wag kang mag-alala.... Iingatan ko ang sarili ko," sabi ko na lang saka yumakap sa kaniya.

Napabuntonghininga si Ria saka gumanti ng yakap sa'kin. "Kapag nasaktan ka... talagang lalabas ang sungay ko, Elaine. Kaya talagang mag-ingat ka, okay? Hinding hindi kita iiwan kahit anong mangyari," sabi naman niya saka hinaplos ang likod ko.

Napangiti ako at tumango. "Salamat, Ria... Hinding hindi rin kita iiwan."

"Hoy! Ano bang ginagawa niyo at nagyayakapan kayo riyan?! Balik sa trabaho!"

Napapitlag kaming pareho nang marinig ang boses ng mayordoma. Natawa na lang kaming pareho at nagsimula ng kumilos para hindi na kami mapagalitan pa.

Pagsapit ng tanghalian, lumabas agad ako at nagtungo sa hardin para doon kumain. Natigilan pa ako nang matanaw si Zamir na nauna nang nakaupo roon. Napalingon agad siya sa'kin nang maramdaman ang presensya ko saka tinapik ang espasyo sa tabi niya. Napangiti naman ako at umupo sa tabi niya.

"Kumusta ang trabaho? Napagod ka?" tanong niya sa marahang boses habang nakatitig sa'kin.

"H-hindi naman. Ayos lang... Uhm. Gusto mo kumain tayong dalawa? Marami naman 'to," sabi ko saka itinuro ang pagkain ko.

Ngumiti naman si Zamir at tumitig lang sa'kin. "Go ahead... I'll just watch you."

Napanguso na lang ako saka nagsimula nang kumain. Nakatitig lang siya sa'kin buong oras na para bang naaaliw siyang panoorin ako na kumakain. Napatingin naman ako sa kaniya. Marahan siyang humalakhak saka pinahid ang gilid ng labi ko... mukhang may dumikit na kanin doon.

Flawed Series 1: Lost in His FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon