KABANATA 32

83.8K 2.5K 1.2K
                                    

"Papa ko..." umiiyak na sabi ni Nathan habang nakayakap kay Zamir. "Akala ko po hindi ka na babalik sa amin."

Napangiti si Zamir habang naluluha rin saka yumakap nang mahigpit sa anak namin. "Sorry, anak. H-hindi na uulitin ni Papa. Hindi na ako aalis sa tabi mo. Mahal na mahal kita..."

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila. Halata kay Nathan na talagang na-miss niya ang Papa niya. Halos ayaw nang bumitiw kay Zamir.

Natigilan ako nang tapikin ni Ria ang braso ko. Halata sa mukha niya na nagtataka siya sa mga nangyayari.

Hinawakan niya ang kamay ko saka hinila ako palabas sa silid ni Nathan para makausap. Umupo kami sa couch. Pinagkrus niya ang mga braso saka pinaningkitan ako ng mga mata.

"Ano'ng nangyayari dito, 'te? Bakit bumalik si Zamir dito? Hindi ko ma-gets, 'te. Akala ko ba galit ka sa kaniya? Bakit pumunta ka pa sa Vista Querencia para ibalik siya rito?" sunod-sunod na tanong niya.

"Galit ako sa kaniya noong una, ngayon hindi na. Binalik ko siya rito kasi ayokong malayo ulit sa kaniya. Mahal na mahal ko siya," sabi ko na lang saka ngumiti.

Napakurap si Ria, napaawang ang labi. "Tangina? Ano'ng pinagsasabi mo diyan, 'te?"

Napabuga ako ng hangin saka humawak sa kamay ni Ria. Ipinaliwanag ko sa kaniya ang tungkol kay Zamir... Nasabi naman sa akin ni Zamir na ayos lang na sabihin ko kay Ria. Kapag kasi nakipagbalikan ako kay Zamir nang hindi alam ni Ria ang totoong nangyari, baka sumalungat lang siya sa amin na naiintindihan ko naman. Kagaya ko, hindi niya rin alam ang totoong dahilan ni Zamir. Sadyang mahal lang talaga ako ng kaibigan ko, gusto niya lang ang makabubuti sa akin.

Napatakip si Ria sa bibig niya matapos kong ikwento sa kaniya ang mga pinagdaanan at ginawa ni Zamir para sa akin. Tila naluluha rin siya saka hinila ako at niyakap nang mapaluha rin ako habang nagkukwento. Tinapik-tapik niya ang likod ko.

"Ngayon... pwede na kayo maging masaya. Magpatuloy na kayo kasama si Nathan... Deserve niyong dalawa na sumaya," sabi ni Ria habang nakayakap pa rin sa akin.

Matapos naming mag-usap, sakto naman na lumabas na rin si Zamir at Nathan sa silid. Buhat ni Zamir ang anak namin na nakayakap sa batok niya. Napangiti ako habang nakatitig sa kanila.

"Zamir... Sorry, ha," hinging paumanhin ni Ria.

"It's okay, Ria. Hindi mo naman alam ang tungkol doon, natural lang na magalit ka sa'kin. I'm actually happy that you care so much about Elaine. I'm so thankful that you were by her side when she had no one. Thank you so much, Ria..." sabi ni Zamir saka ngumiti kay Ria, ramdam na ramdam ang sinseridad doon.

Napangiti si Ria. "'Wag kang ganiyan, Zamir. Baka ma-fall ako sa'yo tapos agawin kita—"

Agad kong siniko si Ria. Natawa na lang siya sa sinabi ko saka umakbay sa akin. "Charot lang. May boyfriend na 'ko, 'te. Selos agad, e..." Muli siyang tumingin kay Zamir. "Magfocus naman kayo ni Elaine sa pagiging masaya kasama si Nathan... tapos kasalan na agad at sundan niyo na si Natha—"

Napasinghap ako at hinampas ang braso ni Ria. Pinandilatan ko siya ng mga mata. Ngumisi siya sa'kin saka nag-taas-baba na lang ng kilay. Lumapit siya sa'kin at bumulong. "Sus, pabebe pa. For sure gusto mo na nga agad makipag-loving loving sa kaniya, e. Sige lang, bestie ko. Support lang ako."

Nanlaki ang mga mata ko. Nag-init din ang pisngi ko. "A-ano ka ba, Ria? Kung ano-anong sinasabi mo riyan," bulong ko rin sa kaniya.

Napatingin sa amin si Zamir, mukhang nagtataka kung bakit kami nagbubulungan ni Ria. Napatikhim na lang ako at napailing para mawala na sa isip ko ang mga pinagsasabi ni Ria kanina.

Flawed Series 1: Lost in His FireWhere stories live. Discover now