KABANATA 24

68.9K 2K 549
                                    

Kinabukasan, napansin ko ang pagbabago kay Nathan... Ayaw na niyang kausapin si Zamir.

Napapatingin ako sa kaniya. Si Zamir naman ay sinusubukan siyang kausapin... pero hindi talaga siya kinakausap ni Nathan.

"Anak... may problema ba?" hindi ko napigilang itanong saka hinaplos ang pisngi niya.

Nanatiling hindi tumitingin si Nathan kay Zamir... Hindi ko alam, pero nakaramdam ako nang kaunting pag-aalala. Bakit biglang nagkaganito si Nathan?

"Mama... galit ka po sa kaniya, diba po?" bulong ni Nathan saka itinuro si Zamir.

Natigilan ako. "H-huh? Ano'ng ibig mong sabihin, anak?" tanong ko saka marahang humawak sa magkabilang braso niya.

"N-narinig ko po kagabi nung nag-usap kayo rito... Galit ka po sa kaniya, Mama. Diba po?" muling tanong niya habang inosenteng nakatingin sa'kin.

Napalunok ako... hindi alam ang isasagot. Ayokong magsinungaling sa kaniya... pero ayoko rin naman na malungkot siya. Halatang gusto na niya si Zamir... Masasaktan siya kapag nalaman ang nakaraan naming dalawa... at ayokong mangyari 'yon.

"N-Nathan..." anas ni Zamir at akmang lalapit kay Nathan pero agad na lumapit sa akin ang anak ko.

Namuo ang luha sa mga mata ni Nathan... parang may kumirot sa puso ko dahil sa nakita.

"M-mabait po si Mama... kaya alam ko pong hindi siya magagalit sa'yo nang walang reason," bulong ni Nathan. "A-alam ko po na maraming nanakit sa Mama ko noon bago pa 'ko ipinanganak... Sinabi sa akin ni Tita Ria na kami na lang ang kakampi ni Mama dahil lahat ng tao sa paligid niya, sinaktan lang siya." Napakagat si Nathan sa ibabang labi at tuluyang napahikbi. "H-hindi po magagalit nang gano'n si Mama sa'yo kung wala kang ginawang masama sa kaniya dati. M-mabait ang Mama ko, hindi siya nagagalit nang walang dahilan."

Napatakip ako sa bibig ko. Naramdaman kong nanlalabo na rin ang paningin ko dahil sa luhang namumuo sa mga mata ko... Nasasaktan si Nathan. Ayokong nasasaktan ang anak ko... dahil mas nasasaktan ako.

Lumuhod si Zamir sa harapan ni Nathan saka humawak sa kamay nito. Naluluha na siya habang nakatingin sa anak, tila nagsusumamo.

"Y-you're right... I did... I did hurt your mother before. I did bad and unforgivable things to her... She was the kindest woman I know, she has the purest heart, she was the warmest... but I hurt her. I abandoned her." Hindi na napigilan pa ni Zamir at tuluyang napaluha. "A-anak... H-hayaan mo akong bumawi. Gagawin ko lahat... patawarin niyo lang ako. Hayaan mo akong bumawi, pakiusap... anak."

Tinalikuran ni Nathan si Zamir at yumakap sa akin. Mas lalo akong nanghina nang maramdamang umiiyak si Nathan. Tila naubusan din ng lakas si Zamir... napapikit siya nang mariin at mas lalong napaluha. Hindi ko alam... Kung iisipin, ito naman ang gusto ko, ang malayo ulit ang loob ni Nathan kay Zamir... pero hindi magaan sa pakiramdam. Mabigat sa dibdib... dahil nasasaktan ang anak ko.

SA MGA NAKALIPAS na araw, pilit na sinubukan ni Zamir na kuhanin ulit ang loob ni Nathan. Sa totoo lang... hindi ko nagugustuhan ang nangyayari... hindi dahil sa naaawa ako kay Zamir, kundi dahil sa epekto no'n kay Nathan.

"Kakausapin ko si Nathan," sabi ko habang nakatingin kay Zamir.

Natigilan siya sa malalim na pag-iisip at napatingin sa'kin.

"I will try to convince him... Nakikinig siya sa'kin," sinabi ko sa mahinang boses.

Napalunok si Zamir. "S-salamat, Elaine."

"Wag mo na akong pasalamatan... Hindi naman para sa'yo 'tong gagawin ko." Napabuntonhininga ako. "Ayokong nasasaktan ang anak ko... at kahit mabigat sa'kin, gumaan na ang loob niya sa'yo. Naging masaya si Nathan na ikaw ang tatay niya... Ayokong nadidismaya siya ng ganito."

Flawed Series 1: Lost in His FireOnde as histórias ganham vida. Descobre agora