Chapter 24

46.6K 1.4K 1.2K
                                    

Khione

Naalimpungan ako when I felt somebody hugging me, and that's unusual since the only thing beside me is my pillow.

Wait—

Agad kong binuksan ang mga mata ko only to find out na nakatulog ako sa kwarto ng babaeng katabi ko. Muntik na tumigil ang puso ko ng bumungad sa'kin ang maganda niyang mukha. Kahit madilim pa sa kwarto niya ay kitang kita ko pa din ang angking ganda niya.

I shouldn't be doing this, staring at her like a creep while she's sleeping peacefully.

Agad kong tinignan ang orasan sa may dingding and it's already 4 am. Shit, hindi ko man lang nabantayan na nakatulog pala ako.

Dahan-dahan kong inalalayan ang ulo niya na nakasandig sa dibdib ko sa unan at tahimik na nilisan ang kwarto niya. The power also came back dahil naka-on ang ilaw sa may living room.

May pasok ako mamaya pero parang sumasakit ang ulo ko sa biglaang paggising at siguro dahil kulang din ako sa tulog.

I think I'll just cook breakfast na pwede niyang initin paggising para hindi siya umalis with an empty stomach, I just have to be a little quiet dahil ayoko naman na magising ito dahil lang sa kaingayan ko.

A simple egg and bacon with waffles would do.

Mamayang 5am pa makakadaan ang taxi dito sa condo, kaya imbes na maghintay sa baba ay pagkaabalahan ko na lang na magluto, ayoko na rin bumalik sa pagtulog dahil baka maabutan pa ako ni Ms. Solana dito.

After seeing her in that state last night, napaisip ako sa mga pagkakataong mag-isa lang siya rito sa penthouse. I was really worried with what happened kagabi, what if I wasn't there? what would happen to her?

Ang dami ko pa ngang hindi alam sa kanya. I still don't know the reason why she seemed afraid when it's raining or when there's a thunder. Hindi kasi ito simpleng takot lang, when I saw her last night, she was trembling in fear. Nung dinala niya ako sa beach dati at umulan, she stood there frozen too.

But I shouldn't be curious about it now, after our conversation last night, I'm already eager to forget these feelings for her. Kung kakayanin ko man.

I shrugged off my thoughts at sinimulan ng ilagay sa plato ang mga niluto ko tsaka nilagyan ng cover. I also wrote a note to instruct her sa gagawin niya when she wakes up.

Matapos no'n ay chineck ko na ang orasan at ilang minuto na lang ay 5 am na, that's when I decided to leave but before that I went up to her room and checked on her.

Natutulog pa rin ito, mabuti naman dahil pagod na pagod ang mukha niya kagabi.

I didn't realize that this job would become so hard for me. I don't even think that I would be able to stand with the words I uttered to her last night.

As long as I am able to take care of her, do'n ko na lang siguro ibubuhos lahat ng nararamdaman ko. I want to keep her safe and well taken care of.

Papikit-pikit ang mata ko pagdating ko sa school, tatlong oras ba naman ang tulog ko. Ang aga kasi ng klase ko ngayong araw, hindi ko pa kaklase ang mokong na Maevis dahil nga tapos ko na yung ibang minor subjects na tinatake niya.

"Have you heard? papalitan na daw ang President ng Wesbech this year. Hindi ko nga lang alam kung sino, they have always keep it hidden." I didn't mean to eavesdrop dahil nakabaon lang ang ulo ko sa lamesa ko, kasalanan ko ba na chismosa 'tong mga kaklase ko?

"Baka anak niya? Pero kahit nga gano'ng mga bagay hindi nila pinapaalam."

"Diba! I don't know why they have to keep it hidden, pero sana naman yung mas bata no? The President seems to be a little old, kulang na lang i-bedridden na."

Illicit Affair (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon