Chapter 21

46.7K 1.5K 2.3K
                                    

Khione

Examinations week na and everyone are busy studying their own courses, kahit naman heartbroken ako ay pinilit ko pa rin ang sarili ko na mag-aral. Like I said— I came here to have a fresh start.

Ah, who am I kidding? Fresh start ba 'to?

"It's a good thing that she's on a seminar. At least you won't get distracted since she's not around." Maevis said as she tapped me on my shoulder. Nandito kasi kami ngayon sa classroom kung saan pangatlong subject na namin 'tong it-take ngayong araw.

Dalawang araw na lang before the exam ends and I can't wait to finally rest for the whole week dahil magsisimula na rin ang sembreak namin.

Lately I've been losing the will to even paint or draw some new designs on my sketch pad. And I know the reason why I'm lacking these days.

I miss her.

Tatlong araw ko na din siyang hindi nakikita, after last week whenever I see her at the campus ay kuntento na ako na napapatingin sa kanya.

At her class, halatang umiiwas ito sa'kin dahil kahit itaas ko ang kamay ko para sumagot ay mas pipiliin niyang iba na lang ang sumagot sa tanong niya.

I had a really hard time trying to keep my distance, it's like a needle poking through my heart whenever I pass through her and she never looked my way or sometimes even if we're just inches away, siya na ang kusang lumalayo sa'kin as if I'm a germ that she can't stand.

"Khio?" Napaangat ang tingin ko sa tumawag sa'kin at nakita ko si Ms. Vivien sa harapan, may tinuro ito sa'kin at nakita ko na inaabot pala ng kaklase ko ang test paper namin at mukhang naiirita pa ito dahil ang tagal ko palang nakatunganga sa kawalan.

"S-sorry."

Agad kong kinuha ang test paper at nilagay ito sa may table ko. Napabuntong hininga na lamang ako dahil mukhang hindi pa rin talaga ako sanay na hindi ito makita ng matagal.

Ceramics ang last namin na sasagutan ngayong araw, after this ay diretsong uwi na siguro ako. Gusto ko muna matulog bago mag-aral para sa mga susunod na subjects.

After what happened last week, I got closer with Ms. Vivien again. I even found myself venting to her about how I feel towards the situation that I am in with Ms. Solana and she would just listen and sometimes remind me na hindi dapat ako magpadala sa bugso ng damdamin and that stuff like this takes a really long time to get over with it.

Ang kaso nga lang, I don't want to get over her.

An hour passed and the exam was finally over, madali lang naman ito lalo na at nireview ko talaga ang mga notes ko kagabi.

"Khio, sabay ka ba sa'kin?"

"Uuwi ka ba agad?"

"Hindi. Dadaan muna ako sa studio, but if you want pwede kitang isama tas punta tayo sa bahay."

"Pass."

Nakasimangot naman itong nakatingin sa'kin at inakbayan ako. "Bar nalang tayo mamaya?"

"Almonte, I think Maddison would be delighted to hear that.. don't you think so?" 

I laughed quietely when I saw the look on Maevis' face at tinanggal pa ang braso niya sa pagkakaakbay sa'kin.

"Joke lang po, Ms. Del Mundo. Ah sige Khio, alis na pala ako bye!"

Napailing na lang ako dahil talagang understanding ang kaibigan ko na 'yon, buti pa nga siya mukhang gusto rin ni Ms. Maddison, and there's no doubt that they would definitely end up together.

Illicit Affair (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon