Chapter 10

51.7K 1.6K 1K
                                    

Khione

Just like what I said earlier, hindi na rin ako sumama sa pag ligo nila after we ate lunch. Nagpahinga kasi si Ms. Solana at ayoko naman na iwanan ito, it was a good thing na may mga dala rin ako'ng libro at nagbabasa lang ako dito sa may baba.

Eventually I got really bored and went to skim my phone para i-check yung mga social media accounts that I haven't been using for a while. A lot of students were enjoying their academic break kahit sila Georgina ay nasa beach rin ngayon with the other org members.

"What are you doing here?"

Rinig ko ang boses ni Ms. Solana sa likod ko kaya napatingin ako sa gawi niya, hindi na ito nakasuot ng bikini but an oversize shirt at shorts na rin. Bagong gising lang din ito dahil halata naman sa mga mata niya.

"Kamusta po ang pakiramdam niyo, Ms. Sol?"

She squinted her eyes at me. "You didn't answer my question."

"Sinasamahan ka po, mag-isa ka lang kasi rito if sasama pa ako sa kanila. Tas sinabihan po kita kanina sa pool diba?"

After I mentioned the word pool, I saw her squirmed a little. Probably because of what she told me nung nando'n kami. Kung alam niyo lang ang kilig na naramdaman ko when she said that to me. Hindi naman siguro masamang umasa diba?

Kaso nabigla rin siya no'n at agad na lumayo sa'kin, walang pasabi na pumasok ito sa loob at gumayak sa kwarto niya. When I asked them if she ate before coming upstairs, ang sabi lang nila mamaya na daw siya kakain.

That means she hasn't eaten at all.

"Pwede ko na po ba malaman kung kamusta ang pakiramdam niyo?" Tanong ko sa kanya, nakatayo pa rin kasi ito sa likuran ko.

"I'm fine. You didn't have to do that, you should enjoy your stay here and not look after me. As your Professor, I'm responsible for watching you and Ms. Almonte, not the other way around." Inis nitong tugon at naglakad na papuntang kusina.

Ba't nagsusungit na naman 'yon?

"Ayoko rin kasing mag swimming. Wala ako sa mood, pero baka bukas meron na."

Hindi ito sumagot sa'kin dahil mukhang gutom nga siya kasi naghahanap na siya ng makakain, naalala ko naman na naka ref pala yung ibang ulam kanina, and without saying anything I went to get it sa refrigerator and took them out one by one.

Nagpunta rin ako sa microwave para initin ito, ang pangit naman kung malamig ang kakainin niya.

"Amora.."

"Hm?"

I got us two plates and some utensils before I placed it on the table. Nagugutom na naman ako kaya wala namang masama if kakain rin ako.

"Hindi ka rin ba kumain?" She asked as she watched me prepare everything.

"Bawal po mag second round?"

That's when I heard her chuckle at naupo na rin kasi handa na ang mga pagkain. "You're not doing this because you feel the need na samahan rin ako diba?"

"Um.."

"I swear.."

"Gutom lang po. Wag masyadong assumera, Ms. Sol."

Inirapan lang ako nito but I didn't really mind, I started scooping some rice on her plate, at nilagyan rin ito ng kaldereta at fish fillet. Gusto ko pa nga lagyan ng calamares pero kinuha niya na agad ang plato papalayo sa akin.

"That's enough. I don't eat like I've been starved to death."

"Calamares is my favorite. I just want you to try it." Sabay puppy eyes sa kanya which in return made her roll her eyes at me at hinayaan na ako'ng ilagay sa plato niya iyon.

Illicit Affair (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon