Chapter 6 (part 1)

408 4 0
                                    

CHAPTER6

            Sunday morning. Nasa biyahe na kami papuntang Tuguegarao para naman dun mag-enjoy. Yung kotseng pinangsundo sa amin nun ni Raprap, yun din ang sinasakyan namin ngayon. Ang nakakabilib pa ay yung puwesto namin nung mga oras na ‘yon, ‘yun din ang puwesto namin ngayon. Si James pa din ang driver.

            “Malayo pa ba tayo?” tanong ni Jade.

            “Nandito na tayo sa Tuguegarao kaso dun tayo sa city proper pupunta. Ilang oras pa ba sa palagay mo ‘san?” wika ni Raprap.

            “Less than an hour na lang,” sabi ni James.

            “Malapit-lapit na lang pala,” sabi ni Theo.

            “Uy, merong daan dun papunta sa isang cave oh. Nakita ko sa signage,” sabi ko sa kanila.

            “Ah ‘yung Callao Cave ba? Maganda dun,” wika ni Raprap.

            “Hindi ba tayo pupunta dun?” tanong ko sa kanya.

            “Gusto n’yo ba?” tanong ni Raprap.

            “Of course,” sabi ni Jade.

            “Okay sige mamayang pabalik tayo,” sabi ni Raprap.

            Lumingon ako sa likod para tingnan sina Gab at Trish. Natutulog pala sila. Nakasandal sa isa’t isa. Ang cute naman tingnan. May pagtingin nga ako kay Trish pero sino ba naman ako para maging sagabal sa pagmamahalan nila kung nagmamahalan nga sila. By the way, maaga pa pala. Ano kaya ang una naming gagawin pagdating namin dun?

            “S’ya nga pala guys, mauna na tayo sa simbahan dun no? Mag-attend muna tayo ng mass,” sabi ni Raprap.

            “Okay sige. Magpasalamat din tayo kay Lord sa lahat-lahat ng mga bagay na pinagkaloob n’ya sa atin,” sabi ni Jade.

            “Tama iyon,” pagsang-ayon ni Theo.

            Nakikita ko na ang isang napakagandang simbahan. Iyon na nga siguro ‘yon. Doon na nga tumigil ang aming sasakyan.

            “Gab, Trish, gising na. Nandito na tayo,” sabi ko.

            Bumaba na nga kaming lahat.

            “Sayang naman. Wala tayong camera. Bakit ba kasi ayaw n’yo ng teknolohiya? Paano natin ngayon makukunan ng picture ang mga masasayang memories na ‘to?” sabi ni Jade.

            Mukhang nadisappoint din ang lahat sa desisyon namin.

            “Ah meron akong camera dito,” sabi ni James.

            “Iyon naman pala. Hulog ka ng langit,” sabi ni Theo.

            “Sige ‘san. Picturan mo na lang kami ah,” ani Raprap.

            “Okay sige,” sabi ni James.

            “Paki-upload na lang sa FB,” sabi ko sa kanya.

            “Oo. Paki-add mo na lang ako ah para maitag mo din sa akin,” sabi ni Jade.

            Nagkuhanan na nga kami ng mga photos. Halos maubusan na nga kami ng pose. Wacky, formal, jump shot, at pati na din ‘yung ibang pose na alam namin ay nagawa na namin. Hanggang sa narinig na namin ang tunog ng kampana.

            “Guys, mag-i-start na n’yan ang mass. Pasok na tayo,” sabi ni Raprap.

            Pumasok na nga kami at sumali sa banal na misa. Isinama ko na din sa dasal ko ang aming kaligtasan sa aming bakasyon.

Dream Vacation: Ang Kwento ng Pag-ibig, Pagkakaibigan, at KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon