Chapter 3 (part 1)

601 8 1
                                    

CHAPTER3

            Madaling araw nang bumangon ako bigla. Nananaginip na pala ako. Ano ba ‘yung napanaginipan ko na ‘yon? Nasa isang lugar daw ako na parang sa amin pero ako lang ang nag-iisang tao. Anyway, tiningnan ko ang oras, alas kwatro ng madaling araw. Tulog pa mga kasama ko. Sina Trish at Jade na nauna ng natulog kagabi, dun sa mga kama natulog. Si Gab, nakapatong lang ang ulo sa mesang pinag-inuman namin. Si Raprap ganun din tulad ni Gab. Si Theo, nasa ilalim ng mesa. Ako naman, nakasandal lang sa upuang natulog. Matutulog pa sana ulit ako ng may biglang malakas na ingay na gumising sa kanilang lahat.

            “Ano ‘yun?” sabi ni Theo.

            “Dun banda!” sabi ni Raprap.

            “Ano ba ‘yan? Panira ng tulog. Inaantok pa ako,” sabi naman ni Jade.

            Tumakbo sina Raprap at Theo sa pinanggalingan ng ingay.

            “Magnanakaw!” sigaw ni Theo sabay suntok sa isang tao na nakita nila.

            Napadapa ang taong hinihinalang magnanakaw.

            “Ralph, Ralph ako ‘to,” sabi nung tao.

            Nang tiningnan ko s’ya, nagulat ako nung naalala ko ang mukha n’ya. Siya pala ‘yung driver kahapon na pinsan ni Raprap.

            “Insan? Naku! Pasensya na, ikaw naman kasi nanggugulat ka,” sabi sa kanya ni Raprap.

            “Naku tol sorry,” paumanhin naman ni Theo.

            “Sige okay lang. Kasalanan ko naman,” sagot nung tao.

Itinayo s’ya ni Raprap at Theo at iniupo sa upuan.

“Ano ba kasi ang ginagawa mo dito ng ganitong oras?” tanong sa kanya ni Raprap.

“Makikigamit sana ako ng CR. Barado kasi ‘yung bowl ‘dun sa room namin eh ang aga akong tinawag ni mother nature. ‘Di ko na kayo ginising kasi mukhang pagod kayo, total hindi naman pala nakalock ang pinto n’yo,” paliwanag n’ya.

“Ay ganu ba? O sige mag-CR ka na baka lumabas pa d’yan,” sabi ni Raprap.

“’Wag na. Umurong na eh haha.”

“Sorry talaga,” paumanhin ulit ni Raprap sa kanya. “S’ya nga pala guys, pinsan ko, si James.”

“Hi James,” bati namin sa kanya.

“Hello. Oh sige, balik na’ko ‘dun. Mukhang puyat at pagod pa kayo, sabi ni James.

“Sige, hindi ka na ba mag-C-CR?” tanong ni Raprap.

“Hindi na. Nagtampo na si Mother Nature,” biro ni James.

“Oh sige,” sabi ni Raprap.

Umalis na nga si James. Bumalik na din sa pagtulog sina Trish at Jade. Humiga na din sa mga kama sina Gab at Theo. Samantalang kami ni Raprap ay nagligpit ng pinag-inuman namin kagabi. Ako na din nag-volunteer dahil alam ko na hindi na rin ako makakatulog. Tumango naman si Raprap at tinulungan na lang din ako.

Dream Vacation: Ang Kwento ng Pag-ibig, Pagkakaibigan, at KababalaghanWhere stories live. Discover now