Chapter 5 (part 3)

418 3 0
                                    

Pumunta na kami sa puwesto ko at umupo na din s’ya sa tabi ko.

            “Ito nga pala si Gab, Gab si Ralph,” sabi ko.

            “Nice to meet you Gab,” sabi ni Raprap sabay shake hands. “Ano’ng apelyido mo?”

            “Soriano.”

            “Ah okay.”

            Dumami na din kami sa room. Buti na lang at may mga kakilala na ako. Sina Gab at Raprap. Siguro sila na makakasama ko lagi nito. May pumasok sa room namin na professional na ang dating. S’ya na siguro ang hinihintay namin. Late na din s’ya.

            “Good morning class,” sabi n’ya.

            “Good morning sir,” sagot naman naming lahat.

            “I’m Engineer Rodolfo Galang. Just call me Sir Dolf. I’ll be your adviser for this school year. Nagpakilala na ako so kayo naman ang magpapakilala isa-isa dito sa harapan. Just state your name, address, and hobbies, or if you would like to add some. Is that very clear?”

            “Yes sir. So let us start from you,” sabay turo sa pinakaunang student sa row namin sa harapan. ‘Di ko s’ya kaagad napansin. Halos katabi lang s’ya ni Gab. Isang upuan lang na bakante ang pagitan nila.

            “Ang ganda naman n’ya. ‘Di ko kaagad na napansin,” sabi ni Theo sa akin.

            Tumawa lang ako. Pero totoo naman. Pakinggan natin ang pagpapakilala n’ya.

            “Good morning classmates. I’m Marie Jade Laforteza, 16 years old from Bacolor, Pampanga. I love watching romantic films and collecting them. Thank you.”

            Wow bongga. Parang pang-pageant lang. Si Gab na ang susunod, tapos ako, tapos si Raprap. Nagpatuloy ito hanggang natapos lahat kami.

            “Tapos na ba lahat?” sabi ni Sir Dolf.

            Walang sumasagot at biglang pumasok ang isa pa yata naming classmate.

“Wait sir. Sorry po late ako,” sabi n’ya.

            “Okay sige. Can you come here in front and introduce yourself?”

            “Of course sir! Thank you.”

            Tumawa ang buong klase. Nakakatawa kaya ang kilos ng isang ito. Pumunta s’ya sa harapan.

            “Magandang umaga sa lahat. Ako pala si Theo. Salamat.”

            “Please state your full name, address, and hobbies,” sabi ng adviser namin.

            “Hindi n’yo naman kaagad sinabi eh sir.”

            Natawa na naman ang lahat. Ano kayang meron sa taong ito. Pero isa lang ang masasabi ko. Mukhang masaya s’yang kasama.

Dream Vacation: Ang Kwento ng Pag-ibig, Pagkakaibigan, at KababalaghanWhere stories live. Discover now