Chapter 4 (part 2)

504 6 0
                                    

“Oh ano’ng balak n’yong gawin n’yan?” tanong ni Raprap.

            “Total naipasyal mo na kami dito. Pwede ba sa labas naman tayo?” suggest ni Theo.

            “Oo nga,” pagsang-ayon ni Trish.

            “Saan naman tayo pupunta dito? Puro taniman lang makikita mo dito,” sabi ni Raprap.

            Nakapag-isip ako ng sasabihin.

            “Hindi ba malapit-lapit lang dito ‘yung Tuguegarao? Nakita ko lang ‘yung signage habang nakasakay kami ng bus kahapon,” sabi ko.

            “Medyo lang. Siguro isa hanggang dalawang oras din ang biyahe,” sagot ni Raprap.

            “Siguro mas maganda kung bukas na lang ‘yan. Sunday naman bukas ‘di ba? Mas masayang lumibot nun,” sabi ni Jade.

            “Agree ako kay Jade. Para makapagsimba din tayo nun,” sabi ni Trish.

            Napaisip ako dun. Hindi kasi Katoliko si Gab.

            “Okay lang ba sa iyo ‘yun Gab?” tanong ko sa kanya.

            “Oo okay lang. ‘Di naman kami binabawalan,” sagot n’ya.

            “Hayun. So, kasado na tayo bukas?” ani Theo.

            “Okay sige,” sabi ni Raprap.

            “Sa Monday na lang tayo nun magswimming?” tanong ni Jade.

            “Ganun na nga ‘yon,” sabi ni Raprap.

            “Ano namang gagawin natin ngayon?” tanong ko sa kanila.

            Nag-isip ang lahat. Si Jade ang unang nakasagot.

            “Movie marathon. Like n’yo?” tanong n’ya sa amin.

            “Nice. Gusto ko ‘yan,” sabi ni Theo.

            “Ano’ng movie ba gusto n’yo?” tanong ni Raprap.

            Ngumiti si Theo. Parang alam ko na kung ano ang iniisip nito. Kaya pinangunahan ko na ‘sya.

            “Suspense. Meron ba ka yo nu’n dito?” sabi ko.

            Nawala ang ngiti ni Theo.

            “Oo. Maganda nga horror,” pagsang-ayon ni Gab.

            “Sige wait lang. Kunin ko lang mga DVD dun,” sabi ni Raprap. “ECE naman kayo. Pakiset-up na ‘yung player d’yan. Pakiconnect na lang sa TV.”

            Teka lang. Nasaan nga pala ang TV at DVD player. Wala naman akong nakikita.

            “Ay oo nga pala. ‘Di ko pa pala napakita ‘yung mga ‘yon,” sabi ni Raprap.

            ‘Di namin napansin na meron palang kurtina dun sa tabi ng mga higaan namin. Dahil siguro iyon sa busog na ang mga mata namin sa mga nakita namin. Samantala, hinila ni Raprap ‘yung kurtina. Naroon na nga ang TV, DVD player, at iba pa na pang-entertainment. Puno nga lang ng alikabok.

            “Pakilinis at pakiayos na lang ah. Sige aalis muna ako para kunin mga DVD,” sabi ni Raprap.

Dream Vacation: Ang Kwento ng Pag-ibig, Pagkakaibigan, at KababalaghanWhere stories live. Discover now