Chapter 10 (part 1)

336 4 0
                                    

CHAPTER10

            Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Ikinwento lahat ni Gab sa akin ang mga observation niya tungkol sa nangyayari sa lugar na ito. Halo-halo na din ang mga nararamdaman ko. Pagkatapos naming nag-usap ni Gab, binalikan na namin sila sa pool. Tinanong nila kung saan kami galing at bakit daw ako may pasa sa mukha. Sabi ko, sinuntok ako ni Gab. Nagulat sila at tinanong kung bakit. Sabi ko ginulat ko s’ya. Naniwala naman sila. Nagkuwentuhan na lang kami habang naliligo. Hindi pa namin sinasabi sa kanila ang mga nalalaman namin tungkol sa mga kasama namin dito sa lugar na ito—mga pinaghihinalaan naming aswang. Ngayon, naririto na kami ulit sa aming silid. Nakapagbihis na din ang lahat at nagpapahinga na lang kami.

            “Mamimiss ko ito kapag umuwi na tayo,” sabi ni Theo.

            “Hindi pa naman ito ang huli nating pagpunta dito ‘di ba?” sabi ni Raprap.

            “Oo naman siguro,” sabi ko sa kanila.

            “Ah? Bakit may siguro?” tanong ni Raprap.

            “Ah? S’yempre hindi naman laging sigurado,” sabi ko na lang muna. Pero s’yempre ang tunay na dahilan ay dahil kung totoong mga aswang sina James at ang mama n’ya, hindi na talaga kami babalik dito.

            “Sabagay,” ani Raprap.

            “Rap, pwede bang patulong ako dun sa may maraming puno doon? May titingnan lang ako,” sabi ni Gab.

            “Ah? Sige. Tayong dalawa lang ba?” tanong ni Raprap. “Ayaw n’yo bang sumama sa amin?”

            “Pagod ako,” sabi ni Theo.

            “Ako din,” sabi ni Jade.

            “Ah ganun ba?” wika ni Raprap. “Si Trish?”

            “Tulog na s’ya,” sabi ko.

            “Eh ikaw Mark?” tanong ni Raprap.

            Tiningnan ko muna si Gab. Tumango siya na parang pinasasama ako.

            “Sige sasama na ako,” sabi ko.

            “Ano na naman kaya ang binabalak nitong si Gab?” bulong sa akin ni Raprap.

            “Ewan ko lang,” sagot ko.

            “Tara. Theo, ikaw muna ang magbantay sa mga girls,” sabi ni Raprap.

            “Copy sir!”

            Lumabas na kami sa silid. Alam ko na sasabihin ni Gab kay Theo ang kanyang assumption na sinabi na n’ya sa akin nung una.

            “Saan ba banda?” sabi ni Raprap.

            “Dun lang,” sabi ni Gab.

Dream Vacation: Ang Kwento ng Pag-ibig, Pagkakaibigan, at KababalaghanWhere stories live. Discover now