Chapter 9 (part 3)

320 4 0
                                    

“Ano’ng problema mo Gab?” tanong ni Mark. Ako pala 'yon.

“Wala, hindi ko lang mapigilan,” sabi ni Gab.

Lalong himigpit pa ang hawak ni Gab sa magkabilang balikat ko.

“Aray, ano ba Gab? Nakakalalaki ka na ah.”

Tinanggal ko ang mga kamay ni Gab.

“Pasensya na Mark.”

“Sige ayos lang. Ano ba kasi talaga ang problema?”

“Ikaw!”

Nagulat ako sa isinagot ni Gab. Bakit ako?

“Ha?”

“Ikaw ang gusto ni Trish at hindi ako.”

“Hay naku Gab. Kung ano mang kalokohan ‘to itigil mo na. Baka maniwala pa ako.”

Sinuntok ako ni Gab. Napadapa ako. Ang sakit ah. Ikaw ba naman suntukin ng maskuladong taong ito. Pero bakit? Ang gulo.

“Tanga ka ba? Kailan mo pa ako nakitang nagbiro ng ganito?”

Sabagay. May point s’ya. Teka lang. Si Trish? May gusto sa akin? Nice. Pero paano si Gab? Ay hindi. Kalokohan lang talaga ito. Tumayo ako ulit.

“Malay ko ba? Baka trip mo ako ngayon,” sabi ko sa kanya.

Batid kong susuntukin n’ya ulit ako pero inunahan ko na s’ya.

“Tama na!” sabi ko. “Masakit na d’yan eh, pwedeng sa kabila naman?”

Napaupo si Gab sabay hawak sa kanyang ulo at humagulgol sa pag-iyak. Umupo din ako sa tapat n’ya.

“Mark.”

“Gab.”

“Alam mo naman siguro ang nararamdaman ko kay Trish.”

“Oo naman. Alam kong mahal na mahal mo s’ya Gab.”

“At alam ko ding mahal na mahal mo s’ya Mark.”

Hindi ako napaimik.

“Naging matalik na kaibigan ko si Trish at ako lang ang pinagsasabihan n’ya ng mga sikreto n’ya.”

Wow. ‘Yun ba ang dahilan kung bakit sila lagging magkasama?

“Pero patuloy na lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya habang lagi kaming magkasama. Pero hindi alam ni Trish iyon. Ang alam n’ya biru-biruan lang.”

“Ganun ba Gab? Pasensya na ah.”

“Nais ko nga sanang aminin sa kanya iyon.”

“Pero ‘di mo nagawa?”

“Makinig ka muna sa akin pwede?”

“Okay sige, sabi mo eh.”

“Inamin ko sa kanya iyon nung nasa Callao Cave tayo.”

“Ano naman ang sabi n’ya?”

“Sa sobrang kampante ko na alam kong maririnig ko na may gusto din s’ya sa akin, nirecord ko ito gamit ang phone ko nang hindi niya alam. Alam mo na, para remembrance.”

“Ah. Iyon siguro ‘yung ikinagalit ni Trish.”

“Iyon nga.”

“Eh ano naman ang sinabi n’ya?”

“Na ikaw nga daw ang gusto n’ya at hindi ako.”

“Talaga? Bakit parang hindi naman?”

Tumayo s’ya at itinayo n’ya din ako. Tapos, sinuntok n’ya ulit ako at napadapa ulit ako. Hindi ko na ma-take ito ah. Tumayo ako at ibinalik ang suntok sa kanya.

“Uy. Medyo malakas iyon ah.”

“Talaga? Eh bakit parang hindi ka man lang nasaktan?”

“Nasaktan kaya ako.”

Nagtawanan na lang kami.

“Tara, balik na tayo sa kanila.”

“Teka, ano’ng oras na ba?” tanong ko.

“Ewan. Basta maggagabi na.”

“Okay tara.”

Dream Vacation: Ang Kwento ng Pag-ibig, Pagkakaibigan, at KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon