Chapter 1

1.3K 13 0
                                    

CHAPTER 1

“Cabagan! Cabagan! Sino bababa dyan?” sigaw ng konduktor ng bus nang bigla akong namulat mula sa pagkakahimbing. Nandito na pala kami sa pupuntahan namin. Sa isang lugar sa isang liblib na baryo sa bayan ng Cabagan, Isabela ang tuloy naming magkakaibigan. Isa iyong bahay bakasyunan ng isa naming kaibigan na si Ralph, o Raprap. Galing pa kami sa lalawigan ng Pampanga. Halos kalahating araw din bago kami nakapunta dito. Ibinaba kami ng bus sa isang palengke. Habang hinihintay namin si Raprap para sunduin kami, sinamantala ko na ang pagkakataon para mamili ng aming makakain mamaya. Marami pala ditong mga prutas at gulay. Sinamahan ako ng isa naming kasamahan na si Theo habang naiwan sa isang tabi ang tatlo pa naming kasama na sina Gab, Trish, at Jade. Lumapit kami ni Theo sa isang tindera.

“Ale, tig-magkano po sa chico?” ani Theo.

“Kwarenta na lang ang kilo iho. Gwapo nyo naman ng kasama mo. Hindi kayo taga-dito no?”

“Nambola pa po kayo. Ako po gwapo? Matagal ko na pong alam yon. Haha. Pero mas gwapo po itong si Mark,” sagot ni Theo.

“Tigil ka nga sa kalokohan mo,” sabi ko kay Theo. “Opo ale, taga-Pampanga pa po kami. Paano n’yo po nalaman?”

“Iba kasi dating nyo. Ang layo pa pala ng pinanggalingan nyo. Bakit naman kayo napadpad dito?”

Sasagot pa sana ako nang biglang lumapit si Jade.

“Mark, Theo, tara na. Nandun na si Rap.”

“Teka lang muna,” sabi ni Theo. “Bumibili pa kami kay ate.”

“Saka na lang. Nagmamadali kasi si Rap. Pasensya na po tita. Kailangan na po kasi naming umalis,” wika ni Jade.

“Ah sige mga anak. Ingat na lang kayo dito sa lugar namin.”

Tumatak sa isipan ko ang mga huling sinabi ng ale. Para bang bigla akong kinutuban. Pero hinayaan ko na lang muna. Baka naman normal lang iyon. Nakita ko na ang sundo namin, si Raprap sakay sa isang magandang kotse. Ang gara ng sasakyan pero di ko na nakita yung brand at pangalan. ‘Di rin naman kasi ako mahilig sa mga sasakyan. Nasa front seat si Raprap kasama ang driver ng kotse na di ko na tinanong ang pangalan. Napagitna naman ako kina Theo at Jade na nagmamadaling sumakay. Nauna na din palang sumakay sina Gab at Trish sa likod ng sasakyan. Ang tahimik ng dalawa. Pero sa tuwing nakikita ko silang magkasama, kilig na kilig talaga ako.

“Nakasakay na ba lahat?” tanong ni Raprap.

“Okay na,” sagot ni Jade na parang kinindatan pa yata si Raprap.

“Oh sige. Dun na tayo magkuwentuhan,” balik niya.

Ang ganda ng andar ng aming sasakyan. Parang bakasyunista talaga kami na totoo naman yata. Sembreak kasi namin kaya niyaya kami ni Raprap sa bahay-bakasyunan nila. Second year college na kami sa isang unibersidad sa Pampanga. Sabi nila, isa daw sa mga pinakamahirap ang course namin. ECE o Electronics Engineering, yan ang kalbaryo este kinakarera namin. Nagisa kami ng husto last sem kaya nandito kami ngayon para magrelax. Sa aming magkakaibigan na nandito ngayon, tatlo ang may bagsak na subject last sem. Unang una na diyan si Raprap na bagsak sa Calculus at Physics. Si Jade naman, bagsak din sa Calculus habang si Trish ay sa ECE Tech naman. Hindi mo naman sila masisisi sapagkat ako din ay muntikan ng bumagsak kahit na masasabi kong ako ang nagunguna sa section namin. Pero mas bilib ako kay Gab. Hindi ko pa siya nakitang naglecture o nagreview man lang pero wala pa syang binagsak na subject. Sa katunayan ay mas mataas pa ang mga grades nya sa mga minor subjects namin kaysa sa akin. Kaya lahat kami ay nagtataka sa kung anong meron siya. Samantala, wala pa ring umiimik nang tumigil ang sasakyan.

Dream Vacation: Ang Kwento ng Pag-ibig, Pagkakaibigan, at KababalaghanWhere stories live. Discover now