Chapter 6 (part 2)

395 4 0
                                    

Pagkatapos ng misa, bumalik na kami sa sasakyan. Pumwesto na ulit ang lahat. This time, si Theo ang pumwesto sa tabi ni James sa harapan. Nauna na sina Raprap at Jade sa likod. Sina Gab at Trish naman, naroon sa gitna. Ako ang huling sasakay. No choice ako kung hindi sa tabi ni Trish umupo. Ano na naman ba itong nararamdaman ko? Lumalakas na naman ang pintig ng puso ko. Kadramahan na naman. Erase, erase. Hayan, okay na ulit. Parang computer lang na nagrefresh, haha. Parang sa Pampanga lang pala dito. Bumaba kami sa isang restaurant.

            “Tara kain muna tayo dito,” sabi ni Raprap.

            “Basta treat mo,” ani Theo.

            “Syempre,” sabi ni Raprap.

            Pumasok na kami sa restaurant. Umupo kami sa dalawang table. Nandun na din ang menu.

            “Sige, pili na kayo,” sabi ni Raprap.

            Tiningnan  namin isa-isa ang menu. Nahiya kami bigla nung nakita namin ang mga presyo ng pagkain dito. Ginto. Walang umiimik. Ako na lang ang nagsalita.

            “Rap, hindi kami pamilyar sa mga pagkain dito. Ikaw na lang ang pumili para sa amin. Syempre alam mo kung ano ang masarap kaya ikaw na lang ang bahala.

            “Sure kayo guys?” tanong ni Raprap.

            “Oo Rap, ikaw na lang ang bahala,” sabi ni Theo.

            “O sige,” sabi ni Raprap. “Waiter.”

            Lumapit sa amin ang isang waiter.

            “Yes sir?”

            “Give us a buffet with your best and specialties,” sabi ni Raprap.

            Wow. Naman. Ang taray nun ah.

            “You can try our promo, a barkada meal good for ten persons sir. Kasama na po dito lahat ng specialty namin.”

            “Okay thanks,” sabi ni Raprap.

            “Thank you also sir.”

            Umalis na ang waiter para sa order namin. Ilang minutes lang at dumating na ang order namin. Ang dami naman pala. Good for ten nga. Mukhang mapapasabak ako nito. Pero syempre nagdasal muna kami sa pangunguna ni Trish.

            “Kain na tayo guys,” sabi ni Raprap.

            “Game.”

            Kanya-kanya ng kuha ang bawat isa. Una kong tinikman ang mga seafood. Masarap nga naman. Pero naisip ko na mukhang masarap din ang presyo nito. Pero hinayaan ko na lang. Mayaman naman si Raprap. Habang kumakain kami, nanonood din kami doon ng TV. May breaking news. Isang mag-anak daw ang natagpuang patay. Aswang daw ang mga may kagagawan.

            “Aswang? Hindi totoo ‘yan,” sabi ni Theo.

            “Paano mo naman nasisigurado?” tanong ni Trish.

            “Hep! ‘Wag n’yong pag-usapan ‘yan okay. Nandito tayo para mag-enjoy,” sabi ni Raprap.

            Nariyan na naman ang aswang na ‘yan. Mahirap din paniwalaan. Siguro kung makakakita ako ng kahit isa lang sa kanila saka ako talagang maniniwala. Samantala, tapos na kaming kumain at busog ang lahat. Inabot kay Raprap ang bill.

Dream Vacation: Ang Kwento ng Pag-ibig, Pagkakaibigan, at KababalaghanUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum