Prologue

2K 16 7
  • Dedicated to DHVTSU BS ECE 2B (A.Y. 2012-2013)
                                    

PROLOGUE

            Madaling araw. Ang lamig ng klima. Mag-isa ako ngayon. Naglalakad sa daan. Bitbit ko ang napakaraming bagahe. Bakit? Maglalayas na ba ako? Hindi. Walang dahilan para gawin ko ang bagay na iyon. Maaga lang kasi ang aking pagbiyahe. Wala pa akong masakyang tricycle kaya ako naglalakad papunta sa kanto. Malapit-lapit lang naman. Dun ako mag-aabang ng jeep. Napakapayapa ng kapaligiran. Tinig lang ng mga kuliglig ang aking mga naririnig. Sinusundan ako ng buwan pati na din ng mga tala’t bituin. Yakap-yakap ako ng hangin pati na din ng kadiliman. Ano bang meron? Balik na nga tayo sa katotohanan. Saka na ang kadramahan.

            Ako nga pala si Mark Kenneth Dizon. Labing-pitong taong gulang. Masayahing tao. Nakasakay na ako ngayon ng jeep patungo naman sa bus terminal. Inaasahan ko na dun ang aking mga kaibigan. Sila ang makakasama ko sa buong bakasyon na ito. Doon sa pupuntahan namin, bawal daw ang teknolohiya. Hindi na ako nagdala ng kahit na anong gadget dahil sa aming kasunduan. But I don’t find it to be boring kung kasama ko naman ang aking mga mahal na kaibigan.

            Sa wakas, nandito na ako sa bus station. Naroon na nga silang lahat. Ako na lang talaga ang hinihintay nila. Hinanap na namin ang aming sasakyang bus papunta sa aming patutunguhan. Sumakay na kami dito at dun na nagsimula ang aming dream vacation.

Dream Vacation: Ang Kwento ng Pag-ibig, Pagkakaibigan, at KababalaghanWhere stories live. Discover now