Chapter 7 (part 1)

386 4 0
                                    

CHAPTER7

            Ang saya nung ginawa namin dun sa mall. Lalo na nung kumain kami ulit. Hapon na ngayon, araw pa din ng Linggo. Papunta na kami ngayon sa Callao Cave. Excited ako kasi first time kong makakapunta sa isang kuweba. Ano kayang meron dun? May mga paniki ba? Sana wala. Gusto ko lang makakita ng mga stalactites at stalagmites na sa TV, libro, at computer ko lang nakikita nun. Naiimagine ko na ang mga gusto kong gawin dun. Buti na lang may camera si James. Bakasyonista na, ekskursyonista pa. Yan ang laro namin ngayon. Nandito na kami sa tapat ng entrance. Walang masyadong tao. Nice.

            “Iwan na lang natin ‘yung iba nating gamit sa sasakyan. I-la-lock ko na lang,” sabi ni Raprap.

            Iniwan na nga namin ang mga bag namin. Nandito na kami sa entrance. May bayad pala pero hindi ganun kamahal. Twenty pesos each lang. Huhugot sana ako ng pambayad, kaso…

            “Ako na,” sabi ni Raprap.

            Napakagalante talaga ni Raprap.

            “Ilan ba tayo?” tanong ulit n’ya.

            “Seven,” sabi ni Gab.

            Inabot ni Raprap ang one hundred forty pesos sa nagbabantay.

            “Thank you sir. Pakifill out na lang po ito.”

            “Oh Mark, ikaw na bahala dito,” sabi ni Raprap.

            Kinuha ko ang papel. Nakasulat dun ‘name’ at ‘address.’ Sinulat ko na ang lahat ng pangalan. Sa ‘address,’ Pampanga na lang nilagay ko. Tapos binilang ko, anim lang. ‘Di ba dapat seven? Oo nga pala, si James.

            “James, ano’ng full name mo?”

            “James R. Santos.”

            “Sige salamat.”

            Sinulat ko na ang pangalan n’ya at address na Isabela. Binalik ko na ang papel sa nagbabantay.

            “Thank you sir. Hintayin na lang po natin ang inyong tour guide in few moments. May bayad din po s’ya pero donation lang po. Any amount will do.”

            “Okay sige, salamat din,” sabi ni Raprap.

            “Nandyan na po s’ya sir. Let her introduce herself.”

            Lumapit sa amin ang isang kapatid na Aeta. Siguro ay kasing edad lang namin s’ya.

            “Good afternoon po. Ako po si Regina, eighteen years old na po ako. I’ll be your guide in visiting the Callao Cave. Sunod po kayo sa akin.”

            Well-trained siguro ang mga guide na ‘to. Ang galing magsalita eh. Sinundan na namin s’ya.

            “Aakyat po muna tayo sa mga steps na ito para makapunta sa taas papasok sa cave. Pero bago po ‘yon, naroon po ang mga CR kung gusto n’yo po munang makigamit dun.”

            “May mag-C-CR ba sa inyo?” tanong ni Raprap.

            Nagtinginan kaming lahat.

            “Wala na siguro,” sabi ni Raprap.

            “Kung ganun po sir, ieexplain ko lang po ang mga rules and regulations natin dito.”

            Inexplain n’ya isa-isa ang lahat ng mga dapat tandaan. Maganda naman ang mga patakaran nila para mapreserve ang ganda ng cave. Pagkatapos…

            “If that’s all clear, tara na po sa Callao Cave.”

Dream Vacation: Ang Kwento ng Pag-ibig, Pagkakaibigan, at KababalaghanWhere stories live. Discover now