Chapter 2 (part 1)

779 10 1
                                    

CHAPTER2

Naisip ko bigla sina Jade at Raprap. Nasaan kaya ang dalawang ‘yon? Wala sila sa loob. Lumabas ako para hanapin sila. ‘Di naman pala sila nalalayo. Nandun lang sila sa swing sa baba ng puno ng akasya. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Hindi ako tsismoso pero nacurious ako. Lumapit ako ng hindi nila namamalayan. Nagtago ako sa likod ng puno.

“Napansin mo ba sina Trish at Gab?” tanong ni Raprap.

“Ah? Oo. Bagay sila no?” sagot ni Jade.

Akala ko ako lang ang nakakapansin nun. Sila din pala. Samantala, parang may gusto pa akong marinig mula sa kanila. Pag-uusapan kaya nila ‘yon?

“Ahm Jade?”

“Ano ‘yon  Rap?”

Heto na yata ‘yon? Kinikilig na ako. Para lang akong nanonood ng love story sa sine mag-isa. Lagi ko iyong ginagawa. Madalas ako lang talaga mag-isa manood ng sine. Awkward ba? Nagsalita ulit si Raprap.

“Mabuti naman at sumama ka dito?”

“Ano ka ba? Kasama silang lahat, mga kaibigan natin. Ako pa ba ang mawawala? Eh ‘di na-OP pa ako ‘pag pinag-usapan n’yo mga nangyari dito pag ‘di ako sumama,” sagot ni Jade.

“Mabuti naman kung ganun.” Halatang hindi iyon ang ineexpect na sagot ni Ralph. Iniisip n’ya siguro ay may nararamdaman pa ‘din si Jade sa kanya kaya sumama s’ya. “Pero Jade, alam mo, mahal pa rin kita hanggang ngayon.”

“Ganun ba? Pero alam mo naman na hindi puwede ‘di ba?” ani Jade.

“Ikaw? May nararamdaman ka pa rin ba para sa akin?”

Yun oh. Hinihintay ko ang sagot ni Jade nang biglang…

“Rap!” biglang tawag ni Theo.

Panira naman. Lumapit si Theo sa kanila.

“Nasaan na ‘yung wine? ‘Di pa ba natin iinumin ‘yon?” tanong n’ya kay Raprap.

“Ay oo nga pala. Tara pasok na tayo,” wika ni Raprap.

Naglakad na sila pabalik nang biglang dumaan sa pinagtataguan ko kaya tumalikod ako sa puno. Pero mukhang napansin pa ako ni Theo.

“Oh Mark. Bakit diyan ka umiihi? May C.R. naman sa loob,” sabi n’ya sa akin.

Tumingin din sa akin sina Jade at Raprap.

“Ano’ng ginagawa mo d’yan Mark? Kanina ka pa ba d’yan?” tanong ni Raprap.

Ano’ng isasagot ko? Isip, isip.

“Ah hindi. Nakita ko kasing lumabas si Theo kaya sinundan ko s’ya.”

“Eh ano naman ang ginagawa mo d’yan sa may puno?” tanong ni Theo.

“Tinitingnan ko lang ‘tong puno ng akasya. Ang tanda na pala ‘to.” Sana kapani-paniwala ‘tong sinasabi ko.

“Tama ka d’yan,” sabi ni Raprap. Bago pa ipatayo ang mga bahay dito nakatayo na daw ang punong iyan.

“Ang galing mo naman Mark,” sabi ni Jade. “Paano mo naman nalaman ‘yan?”

Nginitian ko lang si Jade. Actually, nanghuhula lang ako. ‘Di ko naman alam paano malalaman kung matanda na talaga ang puno. Mabuti na lang suwerte ako. Samantala tiningnan ko ang oras. Alas dies pasado na pala.

“Tara pasok na tayo Mark,” yaya ni Raprap.

“Oh sige.”

Pagpasok namin, nakita namin sina Gab at Trish. Ano’ng ginagawa nila? Wala. As in wala talaga. Nakaupo lang. Pero alam n’yo ba ang tsismis? Hindi ako tsismoso ah. Sinabi lang sa akin ‘to nung iba ko pang kaklase. Alam n’yo kasi eh may gusto daw si Gab kay Trish at ganun din si Trish kay Gab. Bagay naman sila eh. Kaso parang ayaw kong maniwala sa kilos ng dalawa. Hindi nagkikibuan eh.

“Dito na lang tayo sa mesa,” sabi ni Raprap.

“Ano’ng gagawin?” tanong ko kahit alam ko naman na iinom lang kami ng wine.

Inilabas ni Theo ang dalawang bote ng red wine na akala ko ay isa lang kanina.

“Buti na lang wine lang?” tanong ni Jade. “Bakit hindi beer o kahit ano man?”

“Alam ko kasi na hindi umiinom ‘yung iba sa inyo,” sagot ni Raprap.

Naalala ko lang. Ako na lang pala ang hindi naliligo sa mga ‘to.

“Wait lang. Maliligo muna ako guys,” sabi ko sa kanila.

“Ayaw mo lang n’yan uminom eh,” sabi ni Theo.

“Wine lang ‘to Mark,” sabi naman ni Raprap.

“Hindi sige umpisahan n’yo na. Gusto ko lang talaga munang maligo.”

Alam ko wine lang ‘yon. Umiinom naman ako ng wine. Malagkit lang naman talaga ang pakiramdam ko.

“Sige. Bilisan mo ah,” sabi ni Theo.

Dream Vacation: Ang Kwento ng Pag-ibig, Pagkakaibigan, at KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon