Chapter 4 (part 3)

488 6 0
                                    

Nilinis muna namin para matanggal ang mga alikabok na nakabalot sa mga appliances. Siguro iniisip n’yo kung ano ang hitsura nga mga ‘to. Malaki-laki ‘yung TV.  Siguro mga 40 inches sa tantsa ko. LCD din s’ya. Astig din ang pagkaayos ng mga speaker at amplifier para sa DVD player. ‘Yung connection na lang ang kulang. Tulad nga ng sabi ni Raprap, mga ECE kami kaya dapat alam namin ayusin ito. Simple lang naman ang mga ‘to. Napansin ko lang, habang kami ni Theo ay nag-aayos ng mga connection at si Jade ay pumunta sa CR, magkasama na naman sina Gab at Trish. Nandun sila sa may bandang mesa. This time, nag-uusap na sila. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Nagkakamabutihan na din kaya sila? Sabagay, ayos lang naman ‘yon ‘di ba? Pero ibang-iba ang dating nila ngayon. Hayaan ko na nga lang sila. Natapos na din namin ni Theo ang ginagawa namin. Tinest namin ang mga ‘to at gumagana naman. Umupo na muna kami ni Theo sa kama. Nakabalik na din si Jade at umupo na din kasama namin.

            “Ang tagal naman ni Raprap,” sabi ni Jade.

            “Baka pumipili pa ng mga tapes,” sabi ko naman sa kanya.

            “Mark, tingnan mo ‘yung dalawa oh,” sabi ni Theo sabay turo kina Gab at Trish.

            “Mukhang may namamagitan na sa kanila. Ngayon ko pa lang sila nakitang nag-uusap ng ganyan,” sabi naman ni Jade.

            Tumawa naman ako.

            “Oo nga. Eh ‘di mas masaya nun ‘di ba? Noon pa naman natin hinihintay ‘yan,” sagot ko sabay ngiti.

            “Eh ba’t parang pilit ang ngiti mo,” sabi ni Jade. “Don’t tell me na...”

            “Tama ka d’yan sa hinala mo Jade,” sabi ni Theo.

            Hindi ako napaimik.

            “Naku. Ang haba naman ng hair ni Trish,” sabi ni Jade.

            Lumapit na ang dalawa.

            “Nandyan na si Raprap. Okay na ba ang lahat?” sabi ni Trish.

            “Ah oo. Naayos na namin lahat ni Mark,” sagot ni Theo.

            Pumasok na nga si Raprap.

            “Guys, pili na kayo sa mga ‘to,” sabi ni Raprap.

            Inabot sa amin ni Raprap ang napakaraming DVDs. May mga tungkol sa ghosts, aliens, murders, at aswang.

            “Aswang!” nakakagulat na sabi ni Gab. “Naniniwala ba kayo sa mga ‘yan?”

            “Hindi ako. Walang katotohanan ang mga ‘yan,” sabi ni Theo.

            “Paano mo naman nasabi ‘yan?” ani Jade.

            “Basta hindi ako naniniwala,” sabi ni Theo.

            “Totoo ang mga aswang.” Isang boses mula sa labas. Si James.

            Pumasok si James habang gulat ang lahat.

            “Oh insan? Nakakagulat ka naman. Sabi mo totoo ang mga aswang?” sabi sa kanya ni Raprap.

            “Joke lang,” sabi n’ya sabay tawa. “Tinatakot ko lang kayo. Gusto ko sanang manood din kasama n’yo,” sabi n’ya ulit.

            “Hay buti naman. Sabi sa inyo eh wala talagang aswang,” ani Theo.

            “Wala akong sinabing ganun,” sabi ulit ni James sabay tawa pa rin.

Dream Vacation: Ang Kwento ng Pag-ibig, Pagkakaibigan, at KababalaghanWhere stories live. Discover now