Chapter 2 (part 2)

611 8 2
                                    

Kinuha ko na mga gamit ko para maligo. Mga pamalit lang pala. Kumpleto na daw kasi ‘yung gamit ‘dun sa bathroom. Tsaka na ako pumasok doon para maligo habang sila ay nagkukwentuhan na habang umiinom na nga ng red wine. Gusto kong marinig ‘yung pinagkukwentuhan nila kaso wala akong masyadong marinig dito. Kaya inenjoy ko na lang ang pagligo. Pagbukas ko ng shower, bumuhos sa katawan ko ang malamig na tubig. Gininaw ako bigla. Kaya sinara ko ulit ito. Hinanap ko ang shampoo, hayun pala. Imported ah. Pati ‘yung sabon, liquid soap. Ang bango pa. Nilinis ko ng mabuti ang katawan ko. May mga towel din dun. May bathrobe pa. Nagpatuyo na ako habang nagtutoothbrush. Bagong bukas ‘din yung ginamit kong toothbrush. Tapos, nagbihis na ‘din. Paglabas ko ng bathroom, aba, ‘yung tatlong lalaki na lang nandun umiinom.

“Oh tapos ka na pala Mark. Samahan mo na kami dito,” aya ni Raprap.

“Oo sige. Nasaan na ‘yung dalawang girls?” sabi ko naman.

“Hayun, hindi man sila uminom. Pagod na daw sila kaya natulog na,” sagot ni Raprap.

“Sabagay, parang ang dami na agad nangyari mula kaninang pagpunta natin dito,” sabi ko.

“Masarap pag-usapan ‘yan habang umiinom ng wine. Heto baso mo Mark,” wika ni Theo pagkaabot ng wine glass sa akin. Nilagyan na n’ya rin ito ng laman.

“Sige salamat.”

“Ano’ng oras na n’yan?” tanong ni Gab.

Tumingin lahat sa wall clock na nakasabit sa dingding.

“Eleven na ‘din pala,” sabi ulit ni Gab.

“Sige ubusin na lang natin itong isang bote tapos matulog na tayo. Bukas na lang ‘yung isa,” sabi ni Raprap.

“Pero bago iyon, puwedeng sagutin lang natin isa-isa ang isang tanong?” sabi ni Theo.

“Ano na naman ‘yan? Parang kinakabahan ako d’yan ah?” sabi ko naman.

“Sige, ano ‘yung tanong?” mukhang naghahamon si Raprap.

“Ikaw na din nagtanong ng tanong kaya ikaw na din ang unang sumagot,” sabi ni Theo.

“Sige ba. Ibato mo na ‘yan!” ani Raprap.

“Game!” para may masabi lang ako.

“Sino sa mga mates nating girls ang pinakagusto n’yo?” tanong ni Theo.

“Mga dre, alam n’yo na naman siguro ang sagot ko. Mula noon hanggang ngayon, si Jade pa rin ang laman ng puso ko. Umaasa pa din ako na sana, balang araw, mangyayari din ‘yung gusto ko,” sagot ni Raprap.

“Wow, naiyak naman ako ‘dun. Sige ako na sasagot no?” sabi ni Theo.

“Sige!”

“Syempre pinakagusto ko ‘yung pinakamaganda sa klase,” sabi ulit ni Theo.

“Sino ‘yan ah?” tanong ni Raprap habang ako naman ay kinakabahan na sa isasagot ko.

“Maganda na, matalino, mabait, nasa kanya na lahat ang hinahanap ko,” sagot ni Theo.

“Sino nga?”

“Sino pa? Eh ‘di si Karen,” sagot ni Theo.

Totoo lahat ng sinabi ni Theo. Si Karen nga ay matalino, maganda, mabait. Nakalimutan lang siguro n’yang sabihin ang talented. Si Karen ay magaling ‘din sa kantahan at sayawan. Pero ‘wag n’yo na s’yang pansinin. Hindi naman s’ya kasali sa kuwentong ito eh.

“Wow dre. Hindi ka nag-iisa. Ang dami kayang nagpapantasya kay Karen,” sabi ni Raprap.

“Alam ko naman ‘yon. Gusto ko lang naman s’ya eh,” ani Theo. “Eh ikaw naman Mark?”

Iisa lang naman ang gusto ko sa klase namin eh. Kaso nahihiya akong sabihin sa kanila.

“Ahhh… Ahmmm… Wala eh. Wala akong maisip,” sana lumusot ako.

“Tumigil ka nga d’yan. Sabihin mo na. Tayo lang naman nandito eh,” sabi ni Theo.

“Sige na nga. Si Trish, kasi naman ang cute talaga n’ya,” napilitan akong sumagot.

“Hala ka. Aagawan mo pa si Gab, ‘di ba Gab?” sabi ni Raprap.

Hindi sumasagot si Gab. Pagtingin namin sa kanya, hayun mukhang nananaginip na yata.

“Ano ba ‘yan? Di man lang sinasabi, tulog na pala,” sabi ni Theo.

“Oh sige matulog na ‘din tayo,” sabi ni Raprap.

Dream Vacation: Ang Kwento ng Pag-ibig, Pagkakaibigan, at KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon