Chapter 9 (part 4)

326 4 1
                                    

Ngayon alam ko na na may gusto nga sa akin si Trish. Pero kahit may gusto din ako sa kanya, ayaw kong gamitin ang nalalaman kong iyon para sa sarili kong kagustuhan. Paglabas namin ng CR, napadaan kami ni Gab sa may kubo nina James at Tita Janet. Narinig namin silang nag-uusap. Parang galit na galit si Tita Janet kay James. Nagtinginan kami ni Gab. Parang sinasabi n’ya sa akin na “Tara puntahan natin.” Tumango ako. Dali-dali kaming lumapit sa kubo.

“Dito na lang tayo,” pabulong kong sinabi kay Gab.

Tumango si Gab. Katulad ko din pala s’yang tsimoso. Samantala, dinig na dinig ko ang sinabi ni Tita Janet.

“Wag ka naman masyadong magpahalata sa kanila! Bakit ka nagpakita ng ganyan ang mukha mo? Baka mamaya magduda na ang mga ‘yan.”

“Eh paano naman kasi sa Miyerkules na daw ang uwi nila.”

“Bakit naman kasi hindi mo pa sila tinapos nung may pagkakataon ka na?”

Ano ang pinagsasabi ng mga ‘to? Nagtinginan ulit kami ni Gab. Parang naguguluhan din s’ya.

“Tara na Mark. Baka makita pa nila tayo.”

Dali-dali kaming lumayo ni Gab. Nung nakalayo na kami. Kinausap ako ni Gab.

“Mark.”

“Oh ano ‘yun?”

“Ano ang pinag-uusapan ng mga ‘yon?”

“Ah? Ewan ko nga eh.”

“Ako, mukhang alam ko na ang mga nangyayari dito.”

“Ano naman?”

“Hindi kaya mga aswang ang mag-inang iyon?”

“Ah? Huwag ka ngang magbiro ng ganyan.”

“Hindi ako nagbibiro. Makinig ka sa akin.”

“Sige.”

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Tama ba? Alam ko magaling si Gab sa ganyan, sa pagsolve ng mystery. Pero kung aswang sila, eh si Raprap. Eh di may lahi din s’yang aswang?

Dream Vacation: Ang Kwento ng Pag-ibig, Pagkakaibigan, at KababalaghanWhere stories live. Discover now