Chapter 10 (part 2)

321 4 0
                                    

Naglakad-lakad kami hanggang sa makapunta kami sa maraming puno. Tumingin-tingin muna si Gab sa paligid kung wala bang ibang nakakakita at nakakapakinig sa amin.

            “Ano ba talagang gagawin natin dito?” sabi ni Raprap.

            “Mark, pwede na siguro dito. Hindi na tayo maririnig mula dito,” sabi sa akin ni Gab.

            Alam ko na hudyat na iyon para gawin na namin ang plano.

            “Ano ba ang pinagsasabi mo?” sabi ni Raprap.

            Hinawakan bigla ni Gab si Raprap ng mahigpit at kumuha ako ng panyo para takpan ang bibig ni Raprap. Nagpupumiglas si Raprap.

            “Pasensya ka na Rap,” sabi ko sa kanya.

            “Bilisan mo,” sabi ni Gab. “Nasaan na ‘yung tali?”

            Inilabas ko ang tali na pinatago ni Gab sa akin na nakita namin sa silid kanina. Itatali sana namin si Raprap sa puno nang bigla itong makatakas at tinanggal ang panyo sa kanyang bibig.

            “Tulong!” sigaw ni Raprap habang papalayo sa amin.

            Kinuha ni Gab ang isang malaking sanga ng puno na nakita n’ya at hinabol si Raprap at hinampas ito ng malakas na ikinawalan ng malay ni Raprap. Kinuha namin ulit si Raprap at itinali na sa may puno. Nakokonsensiya ako.

            “Gab, tama ba itong ginagawa natin?” tanong ko.

            “Kailangan nating gawin ito para sa ikaliligtas din natin.”

            Ito ‘yung binuo naming plano ni Gab kanina. Hulihin muna si Raprap at igapos para matanong ang lahat ng mga tanong na sasagot sa aming imbestigasyon. Hindi din namin pwedeng  basta-basta tanungin si Raprap ng hindi namin s’ya hinuhuli dahil may posibilidad na aswang din s’ya. Ang tanong, aswang nga ba talaga sila? Baka naman pareho lang kaming napapraning nitong si Gab at pinaiiral ang lawak ng imagination namin. Samantala, nagising na si Raprap. Nagpupumiglas ulit ito.

            “Pasensya na Rap, kinailangan lang naming gawin ito. Tatanggalin lang namin iyan ‘pag sinagot mo ng tama ang mga tanong namin,” sabi ni Gab. “Mark, tanggalin mo ang panyo sa bibig n’ya.”

            Tinanggal ko nga ang panyo sa bibig n’ya.

            “Ano ba’ng kalokohan ito ah? Pwede ba itigil n’yo na ‘to!” sabi ni Raprap.

            “May lahi ba kayong aswang?” tanong ni Gab.

            “Ano ba’ng pinagsasabi mo…”

            “Oo o hindi lang ang sagot.”

            “Hindi s’yempre. Ang tagal n’yo na akong kasama guys,” sabi ni Raprap.

            “

Dream Vacation: Ang Kwento ng Pag-ibig, Pagkakaibigan, at KababalaghanWhere stories live. Discover now