13

6.3K 155 5
                                    

Summer's POV

Nabalot na ako ng inis kaya ko nasampal si Trex. I'm really pissed sa ginawa niyang paghalik sa akin. It was terrible! I can't believe na aabot sa sukdulan ang pagiging halimaw niya.

He was just glaring at me. Walang emosyon ang bumalot sa mga mata niya. Bakat sa pisngi niya ang pula galing sa sampal ko. I feel guilty at the same time mad. Serves him right. Sumosobra na siya.

It doesn't mean na ikakasal ako sa kanya ay may karapatan na siyang maging ganito. He's too much!

Napalingon siya sa ibang direksyon. Pagkatapos ay sinimulan na niyang paandarin ang kotse. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Tumingin ako sa may bintana. Ayokong makita ang pagmumukha niya.

I decided to go out of the car dahil hindi ko kaya ang bigat ng atmosphere namin.
"Bababa na lang ako. Uuwi ako mag-isa.", and I was about to open the car door ng bigla niyang ipaharurot ang kotse. Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa bilis ng pagmamaneho niya. Para siyang nasa isang car race!

"Damn it, Trex! Slow down! Maaksidente tayo sa ginagawa mo!", I keep on screaming pero hindi siya nakikinig. Parang wala siyang narinig. Nakatingin lang siya sa daan without emotions on his face. Halos magkagulo ang traffic dahil sa kanya. Parang sinasabi niyang siya ang hari ng daan.

"STOP THE CAR TREXONE! STOP! Kung hindi lalabas ako ng kotse habang umaandar!", after kong isigaw ang mga salitang iyon sa kanya, the car suddenly stops. At kapag minalas nga naman, hindi ako naka seatbelt at inaasahan ko ng titilapon ako.

I'm almost there. Mauuntog na ako. Pero... May pumalibot sa buong katawan ko at agad niya akong naisandal. Naramdaman ko pa ang mainit niyang hininga sa leeg ko.

I was scared. I thought, didilat akong naliligo sa dugo. But no. He saved me. I unconsciously held up into his arms. Mahigpit ko itong nahawakan. "Fuck!", I heard him cuss at agad niya akong binitawan. Iritado siyang lumabas ng kotse at binalibag pa niya ang pinto na ikinagulat ko.

Siya pa ngayon ang galit? Kahit sinave niya ako, naiinis pa rin ako sa kanya! May kasalanan pa rin siya akin! I should stay mad at him! That's the right thing I must feel right now.

Sabi ko sa sarili ko. Tama naman diba? Siya ang nag umpisa kung bakit kami ganito. Hindi ko na alam kung paano ko pa mahahandle ang ugali niya.

Biglang may malakas na tunog akong narinig kasabay ng biglaang paggalaw ng kotse. Then I saw Trex, kicking and punching his own car. Tila nagwawala siya sa galit. Napasabunot siya sa sarili niyang buhok.

Lumabas ako ng kotse at doon mas lalo kong narinig ang malakas niyang pagsigaw. Tumingin ako sa paligid at mukhang kami lang ang tao dito.

"T-trex. Stop doing that. Wag mong saktan ang sarili mo! Tumigil ka na!", saway ko sa kanya kahit may halong kaba sa loob loob ko.

Tumingin siya sa akin ng nanlilisik ang mga mata. Namumula at para siyang papatay ng tao. Napakagat labi na lang ako sa sobrang takot at kaba.

"What?! Get in the car now, Summer! Just fucking get out of my sight!", sigaw niya sa akin. Dahil dun lalo din nag init ang ulo ko. Sinisigawan na naman niya ako na parang ako ang may kasalanan. Parang ako ang bastos na nanghalik ng walang sapat na rason? What? He's mad because I'm with another guy? Who the hell is he for me?! He's just my Illegal Fiancé for Pete's Sake!

"Stop shouting at me, Trexone! Don't change and flip the situation, will you?! Bakit parang ikaw pa itong galit ha? Ako pa nga ang dapat magalit dahil nanghahalik ka basta basta!", ewan ko at namanage ko pa ang sarili kong magalit sa halimaw na ito.

Baby, I'm not a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon