7

9.3K 264 7
                                    

Summer's POV

Hindi pa rin ako makapaniwala na isang Trexone ang mapapakasalan ko. Ang kinababaliwang bachelor ng mga kababaihan. The man of EVERYTHING. The looks, the power, the hotness. Gosh! Siya ang lalaking kilala kong magpapakagat labi sa halos lahat ng babae.

So what now, Summer? Kailangan mo na bang iconsider ang sarili mong pinakaswerteng babae sa buong Earth at sayo binigay ang isang Trex?

We're here now sa private office niya dito sa loob ng mansion. I'm currently sitting here at this red couch, facing him and that beautiful view behind him. Meron kasing malawak na veranda sa likod niya na sobrang exposed ang view sa labas.

And there is Mr. Stanford sitting on his swivel chair right in front of me. Playing with his pen while looking at me. Still, wearing his cold stare and hot smirk.

My gosh Summer... Masyado kang nahuhumaling sa kanya. Mamaya akalain na naman niyang ginagahasa mo siya sa isip mo!

Dahil medyo kinakabahan ako sa presence niya ay napakagat labi na lang ako.

"Will you stop doing that?", napatingin ako bigla sa kanya ng sabihin niya yun. With matching panlalaki pa ng mata para feel na feel ang pagkagulat ko.

"Doing what Mr. Stanford?", kinakabahang tanong ko sa kanya. Gosh. Nakakatakot talaga yung tingin niya. So cold. Lalo tuloy akong napa lipbite dahil dun.

Gawain ko na kasi ito, ang mag lip bite kapag kinakabahan, maiiyak or kaya kapag natatakot ako.

"I said stop biting your lip, Summer or I might kiss you now at wala ng maganap na kasalan at sa kama na agad ang diretso natin."

Lalong lumaki ang mata ko at feel ko na nag init ang pisngi ko sa sinabi niya. That feeling na hindi ako makareact. I was totally shocked! May ganitong side ang isang Trex?! Gosh! Unbelievable!

"Why are you staring at me like that huh? Sabihin mo lang if you want to.", say niya na lalong nagpalaki ng ngisi niya.

Automatic namang nagtaas ang kilay ko sa sinabi niya. Aba't sumosobra na itong tingting na Stanford na ito!

"Ang manyak mo! T-tumigil ka nga! Andami pa nating pag uusapan puro ka kamanyakan?!", sigaw ko sa kanya at nag crossed arms pa ako.

"If I know Ms. Summer, kanina mo pa ko pinagpapantasyahan simula ng makita mo ko sa garden. Am I right, baby?", say niya ulit sabay tawa ng mahina.

Aba! Ang loko pala nito! Ang lakas ng hangin sa katawan! Ilang tangke ba ng oxygen ang nahigop ng gwapong toh!

"Excuse me Mr. Stanford, for your information, hindi ako sanggol para tawagin mo kong baby! Second, ang kapal ng face mong sabihin yan. Feeling mo naman sobrang hot mo. Yabang mo."

"Hot? Hindi ba talaga ako hot para sayo Ms. Summer?"

Napalunok ako sa tanong niya at halos maging kasing pula ng apple ang mukha ko. Ayoko namang ideny na hindi siya hot eh kanina ko pang description sa kanya yun.

"Che!!!"

Narinig ko naman siyang natawa ng bahagya at tumingin ulit sa akin. Alam kong dyosa ako.

"Back to reality... Alam kong marami kang tanong sa isip mo na gusto mong masagot ko. Now, you may start."

Bigla naman siyang sumeryoso at halata sa tingin niya na nasa akin ang atensyon niya.

I cleared my throat at nagsimula ng magsalita.

"Anong pagkakautang ng kambal sayo at gaano yun kabigat? And why is that ako ang hinihingi mong maging kapalit?"

Baby, I'm not a MonsterWhere stories live. Discover now