33

3.1K 75 3
                                    

Trexone's POV

Simple lang ang mga ganap sa buong araw namin ni Summer and I feel happy right now. No one can explain how much happiness I'm handling. After what happened last night between me and Haemich, nakakalimutan ko agad ang mga bagay na iyon tuwing makikita ko lang ang mga ngiti niya. Hindi ko alam kung bakit na lang ako ganito kapatay na patay sa kanya simula noong mga bata pa kami. Kahit na siya pa noon si Cazz Deev Park...

Lumaki ako sa pamilyang puno ng kasamaan, nabuhay ako sa ganitong kasama na mundo and still, destiny is leading her path towards me. Destiny is on my side. Everyone knows that I'll do everything makuha ko lang ang gusto ko kahit na pumatay ako ng ibang tao. I don't kill innocent people. I just kill devils... Like me. Summer is living with me in my world full of mysteries and lies. Heaven knows how much I like to tell her the truth, yung mga totoong nangyari but there is something inside me na pinipigilan akong gawin iyon.

Fear... Oo, natatakot ako na baka hindi niya ako maintindihan, na baka magising na siya sa katotohanan at bumalik ang mga ala-ala niya. Isipin niya na pinaglalaruan ko lang siya at pinagmumukhang tanga. Dahil kung sino man ang nakakaalam ng mga tunay na nangyari sa kanyang ama, ako lang yun at ang totoong taong pumatay.

Higit pa doon, marami pa akong mga tinatagong rason kung bakit ganito ako, ganito kami. Kung bakit nangyari ang bagay na iyon sa nakaraan. Kung bakit kinailangan niyang makita ako sa ganoong sitwasyon. At higit sa lahat, kung ano nga ba ang kasunduan namin ng aking ama na hindi ko ginusto ngunit kailangan kong gawin para lang iligtas ang babaeng mahal ko.

Nahihirapan na rin ako. Masyado na kong kinakain ng sarili kong kahinaan. Pero hindi pa ito ang tamang panahon. Pero sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti ni Summer, mas ginugusto pa ng isip at puso ko na bitawan ang lahat. Talikuran ang lahat...

Pero hindi matahimik ang halimaw sa loob ko hanggang di ko natatapos lipunin at ipadala sa impyerno ang mga hadlang. Kinakailangan ko pang mahanap ang taong totoong bumaril sa ama ni Summer... At ipinapangako ko na magbabago na ako pagkatapos.

Bumalik ako sa ulirat ng biglang napayakap sa akin si Summer na tila ba takot na takot sa pinapanood naming movie. Hindi ko ba alam sa isang ito, ang lakas ng loob pumili ng nakakatakot na movie, siya naman pala itong halos tumalon na sa takot.

Natawa na lang ako sa ginawa niya at inakbayan ko siya. I pulled her closer to me and I slowly intertwined our fingers. Nang magawa ko iyon ay tumingin siya sa akin pero agad niya iyon iniwas. Huli na ang pag-iwas niya dahil nahuli din ng paningin ko ang pamumula ng mukha niya. Napangisi naman ako at lalo pa siyang niyakap ng mahigpit.

Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. She's perfect. Fucking perfect that all of the guys around here will try to get her and have her. Hindi ko hahayaan ang mga iyon na maagaw nila sa akin si Summer. This girl is mine. MINE alone.

Touch her and I'll kill them...

"Mamaw... I'm sleepy na.", bigla akong kinilabutan ng marinig ko ang bulong ni Summer sa kanang tenga ko. The way she said it, it's like a moan in my ear. Oh, fuck Trex! Not now. Remember your promise. Paalala ko sa sarili ko.

Magsasalita sana ako ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa bandang leeg ko. Pagsilip ko ay nakita ko na ang tulog na si Summer. I smiled as I stare at her. I caressed her cheek with my thumb and gave her forehead a kiss as I say goodnight to her.

Binuhat ko siya ng pangkasal at inihatid sa kanyang kwarto. Hiniga ko siya sa kanyang kama, inayos at kinumutan. Napansin ko ang paggalaw niya ng bahagya at automatic na gumuhit ang isang malaking ngiti sa labi ko ng marinig ko ang mahinang sambit niya sa pangalan ko.

Baby, I'm not a MonsterWhere stories live. Discover now