24

4.1K 91 4
                                    

Trexone's POV

"Do I have any appointments this afternoon?", tanong ko sa aking secretary habang nakatuon ang paningin sa laptop. Yung wallpaper ko lang naman ang tinititigan ko dito at tila sa paningin ng aking secretary ay busy na busy ako. Wallpaper ko lang naman yung stolen picture ni Summer sa beach noong nasa Resort kami at hindi ko lang maiwasan na hindi mapangiti kapag nakikita ko ito.

"Wala naman po kayong nakasched na business meetings for this afternoon Mr. Stanford. But today is your day for IM, tama po ba, Sir?"

Pinasadahan ko lang siya ng tingin at tumango. Sinensyasan ko na lang sya na makakaalis na siya sa opisina ko habang di ko pa rin naalis ang paningin ko sa laptop.

Ilang araw na rin kaming di nagpapansinan ni Summer matapos ang gabing iyon. To be honest, sinasadya ko talaga iyon para makapag-isip ako sa mga dapat kong gawin para sa kanya sa isang buwan na walang asungot na Apollo sa paligid. Realizing every word na sinabi ni Apollo sa akin noong nabubog ko sya... And yeah... Natamaan ako doon. Basta kay Summer, I can be tough and weak at the same time.

So, I decided to change myself. I don't know why kung bakit ko naisip gawin to pero I need to know kung anong lalake ba ang gusto ni Summer. Na kahit isang katulad ba ni Apollo para lang makuha ko ang amor niya sa akin... Gagawin ko. But thinking about the past, when we are still teenagers, hindi ko malilimutan kung gaano siya ka-inlove sa akin. I can see it in her eyes and in her actions. Kahit na patpatin ako noon.

And then Iremembered... The old Trex. Yung Trex na laging nakangiti sa kahit kanino. A genuine smile I always show to everyone around me. Yung Trex na friendly at mahaba ang pasensya. Unlike now, ako yung Trex na cold, masungit, mainitin ang ulo, devil, monster and pervert? Okay. Fine! I admit manyak na ko basta kay Summer lang.

But thinking about the old me? Being weak and fragile... A coward at isang sunod sunuran sa aking ama na naging dahilan kung bakit andito ako at namumuhay sa ganitong pagkatao. I can't help it, hanggang naalala ko iyon ay kumukulo lagi ang dugo ko.

I'm Trexone Harry Stanford. A monster in disguise. Who has the power to control everything he wants. I billionaire bachelor with the looks that every woman admires. A tough and a firm man na halos katakutan ng lahat. I may look as a decent one but I'm hiding a life full of sins together with my oh so called friends.

Ang Infinity Mafia...

Mabubuksan ang kwento sa likod na grupong ito. Remember the time about Summer's Ex-Boyfriend, Jasper... Apollo's older brother, Alejo na pinatay ko sa sarili kong mga kamay... It's just a hint. A key to open my other world kasabay ng isa kong pang misyon mapa-ibig muli si Summer sa isang malinis na paraan without pushing her to remember our past.

This is the start of my mission... A mission to fixed everything about the past. Isang misyon para makawala ako sa halimaw na nabubuhay sa pagkatao ko. If I will let myself to marry Summer in the future, I need to clean up my sinful mess...

Dahil ayokong dumating ang araw na dahil doon... Mawawala ng tuluyan sa akin si Summer. Am I starting to be afraid of what will Apollo can do to ruin our relationship? I know, hindi ako to... Hindi natatakot sa kung ano man si Trexone, but this is about me and Summer, I need to do something. Hindi ko hahayaan magkatotoo ang sinabi ni Apollo...

'Sinisigurado kong sa pagbabalik ko, aagawin ko sayo si Summer... Sinisigurado kong makakagawa ako ng paraan para hindi ka nya mahalin... I know everything about you, Trex. At kahit pagkamatay ng pinsan ko at ni kuya kaya kong gamitin masira ka lang kay Summer. Hindi dapat sa isang halimaw na katulad mo mapupunta si Summer... Magkamatayan man tayo.'


"So, what brings you here, Harry?", tanong sa akin ni Alyanna pagkakababa niya. Nasa living room ako ngayon sa Harrison's Mansion. I need to take some advices from the so called 'Le Gorgeous Freak' ang one and only best friend ni Summer.

Baby, I'm not a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon