50

873 18 2
                                    

Summer's POV

"I love you and it will always be you, Summer.", I can feel the loud thumping of my heart inside my chest as I read every word in this letter. Nasa dressing room ako at napapalibutan ng aking mga bride's maid, nang biglang pumasok ang cameraman at kinunan ang dalawang cute na bata na nag - abot sa akin ng wedding gift ni Trex. As I opened the box, it wasn't an ordinary necklace he usually gives. It was a rose gold infinity symbol with a rose pendant hanging on the middle of it. Lahat ng mga ala-ala ko kay Trex ay nanumbalik sa isipan ko. It made me smile at ang mga mata ko ay gusto ng maluha.

"... and remember this day, for it is the beginning of always, my baby.", Ito na ang araw na pinakahihintay naming dalawa. The day that we'll say our I do's in front of the altar. Parang kailan lang, sinabi ko sa sarili ko that I will marry him because it was the right thing to do to save my kuya kambal. But now, I am already here, wanting to give myself as his other half because I already knew to myself that I'm genuinely loving him. I saw his flaws through the process of knowing him, pero mas lalo akong naudyok na pakasalan siya. Sinubukan kong iwasan na mahulog ako sa kanya pero ako mismo ang gumawa ng sarili kong patibong. Denying my feelings way back then was like a suicide. At ngayon, masasabi kong handa na kong mabuhay kasama siya. Handa na kong yakapin ang lahat sa kanya. Handa na kong panindigan ang pagmamahal ko sa kanya.

I put down the box and stood up. Lumapit ako sa nakadisplay kong wedding gown dito sa aking dressing room. The white off shoulder gown was beaded with red crystals and applique flowers. Just like what Trex liked to be the theme of the wedding. Ang lalakeng mahilig sa pula. I chuckled as I thought about that. Pinasadahan ko ng haplos ang gown at hindi maalis sa labi ko ang malawak na ngiti. "Thanks to your best friend who's your wedding gown designer.", I heard a chuckle behind me. I turned around and saw Sabrina with his rose red gown. Siya ang aking maid of honor at wala ng iba. Magtampo pa sa akin ito kapag hindi siya ang ginawa kong maid of honor, eh sa bagay wala naman din akong ipapalit sa kanya.

"Thank you, babe. Up until now, nandito ka pa rin sa tabi ko.", I said with teary eyes. "Ano ka ba? I am your best friend and your sister from another mother. Guilt will creep me out if hindi ko masusubaybayan ang isa sa pinakaimportanteng araw mo.", aniya at iniayos ang buhok ko. "I am so happy that you already made up your mind and followed your heart.", ningitian niya ako matapos sabihin iyon. Ganun din ang ngiting binalik ko sa kanya. Tama si Sabrina from the very start, ang sarap lang sa pakiramdam na sundin ang nilalaman ng puso kahit maraming nagiging hadlang.

Trexone Harry Stanford is worth the risk...

"Now suit up, Mrs. Stanford! Your groom is impatiently waiting for you now!", natatawang sabi ni Sabrina at agad akong inalalayan sa pag suot ng aking wedding gown. This is it... No more backing out, Summer. Trexone's already waiting for you to walk down the aisle.

Pakiramdam ko ngayon ay ako na ang pinakamaganda, well in fact, maganda naman talaga ako at pinakamaswerteng babae sa mundo. I'm wearing the wedding gown crafted by the most popular and highly paid fashion designer who tend to be my best friend, having the grandest wedding and soon to bear the surname of the well - known bachelor, Stanford. Wala na kong hihilingin pa. I will really treasure this moment for the rest of my life.

Inalalayan ako ni Sabrina at iba ko pang bride's maid palabas ng dressing room. Napangiti ako ng malawak ng makita ko ang naggagwapuhan kong kuya kambal na naghihintay sa akin. Silang dalawa ang maghahatid sa akin sa altar. "Such a goddess, am I right twin?", sabi ni kuya Eithan kay kuya Eugine. Tumango lamang ito ng may malawak na ngiti sa labi bago sila tuluyang nakalapit sa kinatatayuan ko.

"Ikaw na ang pinakamagandang bride na nakita ko sa tanang buhay ko.", kuya Eugine said and chuckled. "That asshole is really lucky to have you, Lil'sis.", sabi pa niya bago siya pumwesto sa kanan ko at inalok ang braso. Ganun din naman ang ginawa ni kuya Eithan ng tumayo ito sa kaliwa ko. "Shall we?", sabay nilang tanong sa akin at agad kong pinulupot ang mga braso ko sa bisig nilang dalawa at tinahak na ang daan palabas ng hotel.

Baby, I'm not a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon