42

2.3K 43 1
                                    

Summer's POV

Dahan dahan kong inimulat ang mga mata ko. Naiwan lang ang paningin ko sa kisame ng aking kwarto at hinayang lumutang ang aking pag-iisip. May ngiting gumuhit sa aking labi ng maalala ko na ngayon na ang araw.

Engagement Party pa lang ito pero yung pakiramdam ko ay parang ikakasal na ako sa araw na ito. Second to the last step of being Mrs. Stanford. Hays! Ito na naman ang mga kilig cells na nagwawala sa sistema ko.

Ipapakilala na ko ni Mamaw bilang Fiancée niya. Dadami na naman ang bashers ko dahil ako na yung babaeng may nag mamay-ari sa nag - iisang Trexone Harry Stanford. Hindi ko na kasalanan yun kung ako ang mahal ni Trex. Maglaway sila sa inggit.

Nakangising sabi ko sa sarili ko habang hindi pa rin naalis ang paningin ko sa kisame.

"Faster! Bilisan niyo ang kilos na makapagsimula na tayo! Gusto kong si Summer ang pinakamagandang babae sa Engagement Party niya!"

Halos mapatalon ako sa gulat ng marahang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa nito yung mga babae at baklang may tulak tulak na hilera ng mga gowns, mga bag at suit case na hindi ko alam kung ano ang laman.

Dali dali akong nagtakip ng kumot at hindi marefresh sa utak ko ang mga nangyayari at nakikita ko. "Teka! Anong ginagawa niyo dito sa kwarto ko?", sigaw ko pero humingi lang sila ng paumanhin sa akin at pinagpatuloy ang pag-aayos sa mga dalahin nila dito sa loob ng kwarto ko.

Isang pamilyar na tili ang narinig ko at masamang titig ang isinalubong ko sa kanya. "Babe!!!", huling sigaw pa niya at yumakap ng pagkahigpit higpit sa akin.

"Anong kalokohan ito, Sabrina Alyanna Harrison?! Bigla bigla ka na lang nagpapapasok ng mga tauhan mo sa kwarto ko! Alam ba ito ni Trex? Naku naman!", inis na sabi ko sa kanya at nagulo ko na lamang ang buhok ko.

Pinagtaasan lang ako ng kilay ni Sabrina.

"Of course not! Alam kong hindi papayag yung pangit na yun istorbohin ka sa room mo noh! And besides, I'm your bestfriend so I have the rights to do anything!", natatawang sabi niya. "At ano ka ba? Hindi mo man lang ba ako namiss? Kailan ka pa natutong magsungit sa akin, Summer Ysabelle? Don't tell me..."

Tinignan niya ako bigla mula ulo hanggang paa. Nagtaas naman ako ng kilay sa pagtataka. "Don't tell you what, Sab?"

"Don't tell me you're... PREGNANT?!"

Napatingin lahat ng tauhan ni Sabrina sa aming dalawa at ganun na lamang ang panlalaki ng mata ko sa gulat ng sabihin niya iyon! Mahina kong hinila ang blonde niyang buhok.

"Gaga! Hindi ako buntis!"

"Ouch! Fine! Ito naman hindi ka mabiro. Sungit. Konti na lang maniniwala talaga akong buntis ka!"

"Hindi nga kasi! Hay naku! Kailan ka pa umuwi from Italy at anong ginagawa mo dito kakasikat pa lang ng araw tapos, ano ito? Ano yang mga dala niyo?", turo ko sa mga nakahilerang gown at suitcases.

"I'll be the one to help you choose what to wear on your Engagement Party! Gusto ko ako ang magpapaganda sayo. Para saan pa at may bestfriend kang Fashion Icon."

Napangiti na lang ako ng marinig ko yung mga sinabi ni Sabrina. Natutuwa ako at makakasama ko siya ngayon sa araw na ito. Namiss ko din naman siya at marami kaming dapat pagkwentuhan. Simula ng lumaki ako kila Kuya Kambal, siya lang ang nagtagal na kaibigan ko. Mahirap kasi akong magtiwala sa ibang taong nakakasalamuha ko noon pa man.

Abala siya sa pag-aayos ng aking buhok ng mapagkwentuhan namin yung tungkol sa mga nangyari nitong mga nakaraan. Bakas sa mukha niya ang inis ng mapag-usapan namin si Penelope.

Baby, I'm not a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon