17

5.9K 124 8
                                    

Summer's POV

2 Days Later...

"Okay Guys, in 15 minutes ay aalis na tayo. We will just wait for Mr. Stanford and the others for a while.", rinig kong sabi ng isa sa mga organizer.

Nandito kami ngayon sa lobby ng Infinity Hotel. Dito kasi kami tinipon para sabay sabay na pumunta sa El Nido kung saan bubuksan ang bagong Hotel & Resort ng Infinity. Remember, doon din gagawin yung official TV Ad ng resort at kung ano ano pang advertisements na kinakailangan nila. Doon na rin gaganapin ang Grand Opening at ang Grand Launching ng bagong irirealease na Infinity Magazine.

Ang sakit sa ulo lang! Napaka adik naman ata ni Mamaw sa Infinity. Nagtataka tuloy ako kung anong meron dun. Baka naniniwala si Dino Mamaw sa Poreber, di kaya?

Anyway... It's been 2 days since huli kaming nag usap ni Sabrina and actually, everything she said gave me a headache. Two days rin akong hindi nakatulog ng ayos doon. But I realized na tama si Sab. If ever nga naman na piliin ko si Rage over Trex, magiging magulo ang sitwasyon. Besides, kaya ako na kay Trex because of my brothers. Mas importante sila kaysa sa nararamdaman ko.

Pero kakasimula pa lang ng araw ko ay nababadtrip ako sa T-rex na yun! Ni hindi ata sinasapian ng pagka gentleman sa katawan! Alam niyang kasama din ako sa event na ito pero hindi man lang siya nagbalak isabay ako! Leche, ang aga niyang umalis ng mansion! Tapos iiwan lang niya ako! Hahayaan niya lang ba ko sumabay sa iba at magbyahe mag-isa kasama si Leonardo?!

Pero ang mokong na yun! Ang aga umalis pero hanggang ngayon wala pa?! Bastos talaga! Pa-VIP. Sila kuya kambal naman ay nasa El Nido na dahil sila ang naka assign mag manage at mag organize doon kaya di ako makakasabay sa kanila.

Si Sab? Ayun! Magpapahuli daw dahil hihintayin muna niya si Clyde from Italy dahil mukhang sasama sa El Nido... Kainis talaga.

Si Rage...Hindi ko pa natatanaw. Mukhang hindi pa dumadating. Teka, asan na kaya rin yun? Himala at late siya.

"My gosh girl! Nakita ko yung kotse ni Mr. Stanford at ni Rage na sabay lang dumating ngayon. Emergerd! Kinikilig ako! Parehas silang may dala ng flowers mukhang may pagbibigyan sila dito."

"Talaga girl?! OMG. Baka ako ang pagbibigyan ni Rage!"

"Myghad! Baka napansin na ko ni Mr. Stanford!!!"

Nakuha ng dalawang babaeng nagchichikahan yung atensyon ko. Napantig lang naman yung tenga ko ng marinig ko ang pangalan nung dalawa. Si Trex at si Rage at ang mga pato na nasa tabi ko ay parang mga inasinan na bulate.

"Girls! Prepare yourself! Dumating na si Mr. Stanford at si Rage! May dalang flowers!", bigla naman may sumulpot sa harap na babae at ipinagsigawan niya yung pagdating ng dalawa. Jusko! Mukhang kasapi sila ng kanya kanyang fans club nung dalawa.

Grabe ah! Big deal! Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng biglang nagsitilian ang mga babae at sabay sabay na nagkumpulan sa gitna para salubungin yung mga gwapong nilalang, at dahil may lahi akong echosera, nakisingit na rin ako sa kanila.

Halos lumagapak sa sahig ang panga ko ng sabay pumasok sa entrance ng hotel si Trex at Rage dala ang sinasabing flowers...

Napatingin ako kay Rage na nakasuot ng white shirt and jeans habang hawak hawak niya ang isang bouquet ng tulips. Mukhang nakatingin siya sa akin habang nakasmile. Yung mga katabi ko dito ay parang mga inipit na daga.

Napunta naman ang paningin ko kay Trex Mamaw. Ewan ko pero automatic na napakagat ako ng labi sa presensya niya. Shit. Simula ng makita ko siyang half-naked noong isang araw bigla bigla na lang ako natutulala.

Baby, I'm not a MonsterWhere stories live. Discover now