16

6.9K 138 7
                                    

Trexone's POV

Mag aalasais na ng umaga ng matapos ang pagtahi sa sugat na nasa likod ko. Madaling araw palang ay pinatawag ko na yung private doctor ko para maasikaso ito. Pero palaisipan pa rin sa akin yung lalakeng naka maskara na sumaksak sa akin. Malakas pa rin talaga ang kutob ko na kilala ko siya at hindi siya isa sa tauhan ng mga Montefargo. Malalaman ko rin kung sino ang taong iyon.

Agad akong bumalik sa kwarto ko kung saan kasalukuyang mahimbing na natutulog ang mahal ko. Dito na kasi siya nakatulog matapos niya akong alagaan at bantayan kagabi. Hindi ko na siya nagawang ihatid sa sarili niyang kwarto dahil sadyang nanghihina ako at tinatangay na rin ng antok.

Lumapit ako sa kanya at humiga sa tabi niya. Hindi ko talaga maiwasan na hindi titigan ang magandang mukha ni Summer... Hinawi ko ang buhok niyang nakatakip sa kalahati ng mukha niya at hindi ko inaasahan na makikita ko ang iniwang bakas ng sugat ng nakaraan.

Nakita ko yung scar niya sa noo. Dahilan ito ng aksidente noon at sinisisi ko ang sarili ko. Kung hindi ko ginawa ang bagay na iyon ay hindi siya matatakot sa akin. Kung hindi ko siya hinabol noon ay hindi siya tatakbo palayo sa akin. Hindi sana siya maaksidente at hindi sana niya ako makakalimutan.

I'm trying to fix everything para kung sakaling matandaan niya ang lahat, nabago ko na ang pagkakamali ko. Ayokong dumating sa punto na, layuan na naman niya ako ng dahil doon.

Bumalik ako sa ulirat ng bigla kong maramdaman ang mahigpit na yakap ni Summer. Mahimbing pa rin ang tulog niya. Isiniksik niya ang mukha niya sa dibdib ko at hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Sana nga at lagi na lang kaming ganito. Yung tipong matatapos ang araw na walang away na nangyayari. Araw-araw na lang na para kaming aso't pusa.

"Stay here... Wag mo kong iwan, mamaw ka. Let me just hug you like this. I feel safe in your arms, Dino..."

Lalong lumaki ang ngiti sa labi ko ng marinig ko ang mga salitang iyon. You'll always be safe here in my arms, baby. Sabi ko sa isip ko. Nararamdaman ko pa rin na ako ang naaalala ng puso niya. Na ako pa rin ang tinitibok nito.

I still trust Summer's heart. We made a vow before destiny ruined everything.

Napaisip ako bigla... What if? What if kunin ko ulit ang pagmamahal ni Summer sa ibang paraan. Mag umpisa ulit akong gumawa ng effort ng hindi nadadamay ang past. Na hindi ko na kailangang gamitin ang nakaraan para lang makuha ko at maibalik ko sa akin ang pagmamahal ni Summer...

Besides, I still need to hide my monster living in my soul. I still need to do something para mawala ito sa pagkatao ko.

Dahil ito ang sisira sa akin at sa amin ni Summer...

Summer's POV

Nagising ako sa sinag ng araw. Mukhang tinanghali na ako ng gising. Ang sarap kasi ng tulog ko at feel na feel ko yung yakap na nararamdaman ko. Napadapa ako dito sa kama ng bigla akong manibago sa amoy nito. Amoy pabango ng lalake eh. Parang pabango ni Trex...

Nang marealize ko iyon ay bigla akong napaupo sa kama. Nanlaki ang mata ko at nilingon ko ang buong paligid at... CONFIRMED. Hindi ito ang room ko! Nakatulog ako sa kwarto ni Mamaw! Naalala ko nga pala na binantayan ko si Trex kagabi dahil nga sa nakakaawa yung itsura niya at ayaw niya akong pakawalan sa mga bisig niya kaya ayun. Tuluyan na akong nakatulog.

Teka?! Baka pinagsamantalahan ako ni Mamaw! OMG. May lahing manyakis nga pala siya! Agad ko namang sinilip yung katawan ko kung may saplot pa ba and good thing na ganun pa rin at tsaka hindi ko naman ramdam na pagod ako or may masakit sa akin eh.

"Hoo~ Kinabahan ako bigla.", sabi ko sa sarili ko ng biglang bumukas yung pintuan na nasa may bandang kanan sa harapan ko.

And I was like...

Baby, I'm not a MonsterWhere stories live. Discover now