1

16.7K 389 6
                                    

Summer's POV

"Summer, are you ready?", tanong ni Kuya Eugine ng makapasok siya sa room ko.

Kakatapos ko lang makapag ayos at ready na ako para sa engagement party ng bestfriend ko, si Sabrina. She's also a long-time friend of my Kuya Kambal and take note, naging ex – girlfriend din siya ni kuya Eugine.

Nakakainis nga eh. Kakauwi lang ni Babe from Italy tapos malalaman ko na lang na may engagement ng mangyayari agad! Hindi ako informed! Katampo kaya!

"Yes, Kuya Genie. I'm ready. Just wait for me downstairs.", nakangiting sabi ko kay kuya Eugine. He nodded and smiled before siyang lumabas ng room ko.

I'm wearing a red cocktail dress. Nakalugay ang buhok ko na medyo kinulot ang baba nito. Light make up lang ang nilagay ko and for the last thing, sinuot ko ang gift ni babe na red heels na binili pa niya from France.

I'm Summer Ysabelle Nicholai Weinstein. Summer ang madalas itawag sa akin. Kinakapatid ako ng Danford Twins and yes, hindi ko talaga sila mga kapatid by blood.

When I was 15 Years old. My parents and I are involved from a car accident. Unfortunately, my parents died at ako lang ang naiwan na nakasurvive. That time, mag isa lang ako at wala akong relatives na pwede kong tuluyan, until I met Mr. Elizalde Danford, yung daddy nila Kuya Kambal. Malapit siyang kaibigan ng parents ko kaya nagdecide siyang ampunin ako.

And yun ay base sa mga kwento ng kambal.

Matapos kong maicheck ang sarili ko sa salamin ay agad na akong lumabas ng room at bumaba sa sala. For sure, hinihintay na ako ng mga kuya ko and I bet, they're so excited to see their beautiful sister tonight. Dyosa kaya ako.

Pagkababa ko sa sala ay agad bumungad sa akin ang dalawa kong gwapong kuya.

Si Kuya Eugine na prenteng nakaupo sa sofa at nagbabasa ng magazine. Napangiti ako ng mapansin ko ang kanyang suot na tuxedo na kulay silver. Bagay na bagay sa kanya ito at napapaangat nito ang seryosong itsura ng kanyang mukha.

Dumako naman ang paningin ko kay kuya Eithan na nakatingin sa akin ng may malokong ngiti sa labi. Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil alam kong may balak na naman niya akong inisin at asarin. Pero hindi maipagkakaila na nasa lahi na talaga nila ang pagiging gwapo. Lalo itong inaangat ng kanyang suot na black tuxedo.

Anyways, Danford Twins are owning a Car Company, The Speed Empire, na pinamana ni Tito Eli sa kanila. Kuya Eugine manages their branches abroad while si Kuya Eithan naman ay dito sa Pilipinas.

"You're really a goddess, Lil'sis.", sabi ni Kuya Eithan sa akin. Agad siyang tumayo at naglakad palapit.

"Yes, she is, my brother. So, guys, can we go now? We're almost late for the party.", sabi ni kuya Eugine. I almost forgot. Mainipin nga pala itong si Kuya.

"Sus! Excited ka lang makita si Sab! Hoy kambal! Baka nakakalimutan mong Engagement party niya ang pupuntahan natin. Wag ka ng umasa --- ARAY NAMAN! Bat mo ko binatukan?!", reklamo ni Kuya Eithan. Ayan na naman sila. Magsasagutan na naman. Hay naku! Ang daldal naman kasi ni Kuya Tantan eh.

"Shut up, will you? Tara na!", inis na sabi ni kuya Genie at naglakad palabas ng mansion. Kuya Eithan kept on mocking him and I just laughed sa itsura niya. Nilapitan naman ako ni Kuya Tantan at tsaka inakbayan.

"My Lil Gorgeous Sister... Let's go. Baka maging monster na si Kuya kambal at gawin tayong pang-dinner.", natatawang sambit ni Kuya Eithan while wearing his evil smile. Saglit akong tumawa at sumunod na kami kay kuya Eugine pasakay sa kotse.

Baby, I'm not a MonsterWhere stories live. Discover now