9

9K 233 4
                                    

Summer's POV

Hingal na hingal kaming pumasok ni Rage Chinito sa favorite cafe ko. Matapos niya akong kaladkarin at itakas sa bodyguard kong gurang galing sa isang boutique para lang makasama ako magcoffee. Hindi ko alam kung matutuwa at kikiligin ako ngayon dahil may isang gwapong cute na nilalang ang nagyaya sa akin mag-date agad agad.

Napangiti na lang ako sa pinag-iisip ko dahil bukod sa maganda at dyosa ako at hindi mapagkakailang habulin ako ng lalake.

Assumera ka rin noh?

Tsaka kung hindi ako habulin ng mga gwapong nilalang edi sana hindi ako pipiliin ni Mamaw Trex na pakasalan at maging asawa niya. Tignan mo nga at patay na patay sa akin. Kung makaangkin siya ay para akong favorite toy niya na ayaw ishare sa iba. Ni ayaw niya nga akong idikit sa ibang lalake. At dahil sa naisip kong iyon... PATAY KANG DYOSA KA!

Napatakip na lang ako ng mukha sa kagagahang ginawa ko ngayon. Ohh. Jusmiyomarimar Summer Ysabelle! Bakit ngayon mo lang napagtanto na sumama ka sa isang lalakeng chinito na ito. Eh hindi mo pa nga kilala. Hayy naku! Sinimulan na akong kabahan. For sure ay hinahanap na ako ni Manong Leonardo at siguradong nakapag report na siya sa amo niyang mamaw na nawawala ako.

Hindi lang isang Stanford Rule ang nilabag ko ngayong araw. Kundi... DALAWA! Aba'y mukhang jajackpot ako ng megalicious punishment kay mamaw nito.

Parang ayaw ko ng bumalik ng mansion ng buhay. Hindi sa takot ako sa punishment ni mamaw ahh. Iniisip ko lang kasi na may lahing manyakis ang tukmol na iyon ay baka kunin niyang kapalit ang pinakaiingatan kong bataan dahil sa paglabag ko sa rules niya. Have mercy on me! Hindi pa ako ready!!!

"Hey. Are you okay? Don't worry. Saglit lang naman tayo. Gusto ko lang may makasama ngayon.", bumalik ako sa ulirat ng biglang magsalita si Rage Chinito at ito na naman ang cute niyang mukha habang nanliliit ang mata niya dahil sa lapad ng ngiti. Pero infairness, puti ng ngipin. Pwede na siyang model ng toothpaste o kaya toothbrush.

"Oo. Okay lang ako. Ayos lang naman sa akin. Tutal sabi mo saglit lang naman.", ngiting sabi ko sa kanya. Summer, dahil sinapian ka ng kagagahan ngayon, ayan panindigan mo na yang pagsama mo kay Rage Chinito. Gamitin mo na lang kay Trex mamaw ang alindog mo baka sakaling hindi siya mag evolve mamaya bilang isang Dinosaur Monster.

Bigla na lang ako hinila nitong si chinito sa isang vacant na table na pang dalawang tao at pinaghila niya ako ng upuan. Gentledog - este gentleman naman pala siya. Pagkatapos nun ay umupo na rin siya sa tapat ko at ningitian na naman ako. Aba! Taray~ Unli smile lang peg ni Chinito.

Agad naman siyang tumawag ng waiter. Pagkalapit ni Kuya Waiter ay naglabas siya ng maliit na notebook sa bulsa para ilista yung order namin.

"One Latte Macchiato and Chocolate Mint bars for me.", rinig kong sabi ni Rage Chinito kay kuya waiter then lumipat ang tingin niya sa akin.

"How about you, Summer? Coffee or Frappe?", tanong niya.

"Frappuccino will do. Chocolate Chip Cream and Chocolate Fudge.", pagkasabi ko nun ay biglang nagwala ang mga dyosang dragona sa loob ng tummy ko. How I miss those foods.

"Did you get it?", ngiting tanong ni Rage kay kuya Waiter at agad naman itong tumango. Hindi ko na pinansin yung iba pang sinabi ni Kuya waiter at tinignan ko na lang ang oras sa wrist watch ko.

Mukhang kailangan ko ng mag enjoy ng bongga ngayong araw dahil mamaya deadbols na ako kay mamaw. Baka ito na ang huling araw ko bilang dyosa. Baka laspagin ako ni Trex eh...

Laspagin sa sermon! Utak niyo ahh! Hmp.

"So, are you now relaxed, Summer? Mukha ka kasing kinakabahan. May magagalit ba if ever tumakas ka sa paningin ng bodyguard mo?", tanong ni Rage chinito sa akin.

Baby, I'm not a MonsterWhere stories live. Discover now