38

2.2K 41 1
                                    

Summer's POV

"What kind of proposal is that?! Kaloka talaga tong si Trex! Nawalan na ba ng sweet bones sa katawan. Halatang atat na atat siya na maging official fiancèe ka niya ah.", Sabrina said as she finished watching the video nung nagpropose si Trex. Nag uusap kami ngayon sa video call dahil nasa Italy pa rin siya.

"Come on, babe! Let me see the ring!", excited naman niyang hiling sa akin at ako naman ay ngiting ngiti na ipinakita ang daliri kong suot ang engagement ring.

"Hayaan mo na si Trex, naging busy na rin naman siya these past few weeks sa work. Maybe kulang lang siya sa time to prepare para sa mga ganung bagay. At least he proposed, right?", pagtatanggol ko naman kay Trex while staring at my finger with the ring on it.

I can't help myself not to smile kapag naaalala ko yung araw na iyon. At hindi din ako makapaniwala na sinagot ko ng oo yung halimaw na manyak na yun. But then, who knows? Pati ako hindi ko na din maipaliwanag kung bakit nahulog na rin ako sa kanya ng ganito.

"Well.. I need to end this call, babe. I have lots of things to do pa. I'll be flying back there next month, kaya promise ko ikaw una kong pupuntahan. See you soon! Love yah! Ciao!", paalam ni Sab kasabay ng pag out ng video call. Pagkatapos nun ay iniligpit ko na ang laptop ko.

I was planning to roam around the place, dito sa Mansion at sa labas nito. Sa sobrang laki kasi ng bahay na ito ay hindi ko pa nalilibot yung ibang places dito. I'll be living here for a lifetime kapag naikasal na kami ni Trex kaya much better if I'll memorize the places inside and out.

I don't have much time nung mga nakaraan dahil na rin sa daming happenings. I started to fix up myself at lumabas na ng room ko.

Bumaba ako sa sala... Ang gloomy ng place, ang lonely dahil sa sobrang laki nga nito, kokonti lang din ang tao. Ako, Si Trex at mga maids and guards lang andito. Hindi pa nga dito sa mismong mansion tumutuloy yung mga maids. May sarili silang quarters sa labas. Si Trex, nasa office at tambak daw ang trabahong naiwan sa kompanya simula nung umalis kami.

The mansion looks old pero gumanda lalo dahil mukhang pinarenovate as I said last time. Maraming kwarto din. I opened some doors and checked some rooms kung ano ang nasa loob ng mga iyon. There, I found na may sariling gym pala dito, a mini theater room, some are offices and some are spare bedrooms.

Yung iba naman ay hindi ko alam ang nasa loob ng room dahil nakalock ang mga ito. The mansion has a lot of rooms. Kaya napaisip ako ng idea na what if pagkasal na kami ni Trex ay magstart na kaming mag ayos ng rooms for our future babies...

And that thought gave me a thousand butterflies... And a wide smile was drawn on my lips.

Sa pag iikot ko dito sa mansion, hindi ko namalayan na bigla na lang ako nakapasok sa kwarto ni Trex. Medyo nagulat pa ako na hindi ito nakalock. Ang pagkakaalam ko ay ayaw niyang may nakakapasok sa kwarto niya na kahit sino, but how come iniwan niyang hindi nakalock ito?

But who cares? Fiancèe naman niya ko so I'm an exception, right?

Pumasok ako sa kwarto and I'm expecting for a stereotype view of a man's bedroom. But, OMG! Mamaw's room is so clean at ang sexy ng ambiance nito dahil sa red and black motif.

Ang lalakeng mahilig sa pula...

I softly chuckled sa naisip ko at tuluyan ng nilibot ang kwarto ni Mamaw. Naupo ako sa sofa and sa bed. Napahiga din ako dito dahil nagustuhan ko ang lambot nito. I almost freak out ng biglang nagpop out sa imagination ko na what if nag m-make love na kami ni mamaw sa bed na ito.

Baby, I'm not a MonsterWhere stories live. Discover now