49

1.1K 18 2
                                    

Trexone's POV

"... and she wants me to find justice for Jasper Clarkson." Pagkasabi ko niyon ay marahas kong kinuha ang baso ng alak sa lamesa at inubos ang laman nito. Eugine's confused reaction was noticeable on his face. "You really agreed with that? Seriously Trexone? Nahihibang ka na ba?", aniya at marahan na binaba ang baso niya sa lamesa. Nangisi ako at napailing. "Of course, I will do anything she says. Papasaan pa at napakadami nating connections Eugine, lalo na sa mga authorities. Kayang kaya natin magbayad ng taong kayang ipakulong ang sarili niya. Yun lang naman ang gusto ni Summer, mahuli ang pumatay kay Jasper. Why can't we just make a show and end this shit off.", nagsasalita ng kusang ang demonyo sa loob ko. But my heart is in chaos. Nakakaramdam ako ng guilt sa bawat salitang binitawan ko. Do I really need to do this just to save myself? Just to let my demon win and keep Summer in my arms?

"Pagmamahal nga naman. Hahamakin ang lahat.", napatingin kaming dalawa ni Eugine sa kakarating lang na si Ezekiel. Nakangisi itong tumingin sa akin at nang aasar ang mga titig nito. "Fuck off!", inis na sabi ko sa kanya at sinalinan kong muli ang baso ko ng alak. "Kumuha na ko ng mga tao na magiging solusyon dyan sa problema mo, Trex. So chill now, my man. Kailangan mo ng magsaya sa nalalabi mong mga araw bilang bachelor!", he chuckled and took a seat beside us. Nagtataka akong tumingin kay Ezekiel. "What the hell are you saying?", tanong ko. "Narinig ko lang naman ang freak kong kapatid na magpapabridal shower daw sila para kay Summer. So, ano? Nganga lang tayong mga lalake at wala man lang gagawin bago ikasal ang pinuno ng mga matitipuno?"

"We are having serious matter here, Kiel. Ano naman kung mag bridal shower sila? At paanong may solusyon na sa problem ni Trex?", tanong ni Eugine sa kanya. "Nalaman ko lang naman sa kambal mo ang problema. Eh sa ang kukupad niyo at wala man lang kayong ginagawa, so ako na ang kumilos. Baka sabihin niyo wala na naman akong ginawang tama.", aniya at umaktong parang batang inapi. Siraulo talaga. "Anyways, wag niyo ng problemahin yun. Everything is now under control. And your stag party is waiting for us! Sagot ko na din yun and we need to be there tonight. Gumastos lang naman ako para sa aking pre - wedding gift for you, my man."

Napansandal ako sa kinauupuan ko at muling nilagok ang alak sa baso. Matalim kong tinitigan si Ezekiel pero ang mokong bigla na lang tumawa. "Look Trexone, ikakasal ka na next week at ang problema natin ngayon ay simula pa lang. Can we just breath for a moment and live a bit normal? Kaibigan ka namin Trex, and your marriage with Summer is a dream come true for you. Alisin mo muna yang problema mo at magsaya ka, maging masaya ka bago ang kasal niyo."

Bigla akong napaisip sa sinabi ni Ezekiel. I've been occupied by these thoughts at hindi ko namalayang malapit na kaming ikasal. Tama siya, simula pa lang ito at marami pang darating sa oras na sumumpa kami sa harap ng altar. Kailangan kong magfocus muna. Mas mapapanatag ako kung di ako mahahalata ni Summer na masyado akong nababahala. I badly need to distract myself against my demon. "May nasabi ka ding tama. Come on. Let's go wherever is that Stag party.", napangisi na lamang si Eugine at sumangayon na din. Tumayo na ako at lumabas na ng hide out kasunod ang dalawa. How I really wish that everything is under control. Under my demon's control.


Summer's POV

Kakatapos ko lang makipag usap sa wedding organizer namin ni Trex para sa mga final preparations ng kasal namin next week. Hindi ko na inistress pang muli ang sarili ko na makiagaw sa oras ni Trex. Hindi na naman siya sumipot ngayon para samahan ako. Ewan ko ba kung napaparanoid lang ako dahil kakaiba ang mga kinikilos ni Trex nitong mga nagdaang araw. Napabuntong hininga ako matapos kong uminom ng tubig. Naisip niya kayang wag na kong pakasalan? Subukan lang talaga niya at sisiguraduhin kong mawawalan siya ng paglalahian! My Gosh! He didn't even bother himself to call me and ask me how was everything going? Mag aalas otso na ng gabi pero hindi pa din siya nagpaparamdam.

Baby, I'm not a MonsterWhere stories live. Discover now