14

6.9K 159 16
                                    

Summer's POV

Pumasok ako sa isang napakalaking mansion kung saan nakatira ang lalakeng mahal na mahal ko. Simula sa bungad ng malaking pinto ng malapalasyong bahay na ito, nakalatag ang mga pulang piraso ng rosas.

Matagal ko itong pinagtuunan ng tingin at hindi maiwasang may gumihit na ngiti sa aking mga labi. Hindi talaga siya pumapalyang pasayahin ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at may kung ano akong kilig na nararamdaman sa loob loob ko.

Bumukas ang malaking pinto at hindi ko inaasahan ang iba pang pulang rosas na nakalatag. Para bang sinaaabi nitong sundan ko lamang kung saan ako dadalhin ng mga ito.

Kasabay nito ay ang pagtugtog ng isang pamilyar na musika galing sa piano... Narinig ko ang rin ang tinig ng taong kaisa isang nagpapatibok ng puso ko. Ang tinig ng lalakeng...

Habambuhay kong mamahalin...

"There are times when I just want to look at your face

With the stars in the night

There are times when I just want to feel your embrace

In the cold night

I just can't believe that you are mine now

You were just a dream that I once knew

I never thought I would be right for you

I just can't compare you with anything in this world

You're all I need to be with forevermore"

Masarap pakinggan ang tinig niya. Pakiramdam ko ay nasa akin lang puso at buong pagmamahal niya. Na para bang ako lang ang mundo niya, kahit na nabubuhay kami sa mundong maraming humahadlang.

Ngayon... Nakatingin siya sa akin kasabay ng isang ngiting alam ko ako lang ang makakakita... Nagtama ang aming paningin at para bang lumalabo ang paligid at siya lang ang nakikita ko.

Lumapit siya sa akin ngunit hindi pa rin nawawala ang ngiting gusto ko laging makita pagmulat ng mata ko.

Ngayon, napakalapit niya sa akin. Hinawakan niya ang kanang kamay at inilahad sa harapan ko ang isang pulang rosas kasabay ng malambing na pagsambit sa pangalan ko...

"Cazz..."

Nagising ako bigla sa malalim na panaginip ng biglang tumunog yung phone ko. Aish! Leche naman oh! Ang ganda ganda ng panaginip ko tapos may kabuteng istorbo!

Dahan dahan akong napaupo sa kama ko. Napahawak ako sa sentido ko dahil bigla itong sumakit pero ng medyo nahimasmasan na, agad ko ng inabot ang phone at sinagot kung sino man itong tumatawa...

"Hel- Rage?! Oh. Good Morning. Ikaw pala yan.", para akong timang na biglang naging active ang dyosa cells ko sa katawan ng marinig ko ang boses sa kabilang linya. Inayos ayos ko pa nga yung sabog kong buhok pati yung mga panis na laway ay pinunasan ko na rin. Pero chos lang yun.

"Yep. It's me. Gusto ko kasing maging dahilan ng smile mo kapag kagising mo.", may kung anong kilig ang dumaloy sa buong sistema ko ng marinig ko yun sa kanya. Hindi ko tuloy napigilan ang hindi mapangiti. Jusko! Kung araw araw gagawin ito ni Fafa Rage, magiging super-duper crush ko na siya.

Pero biglang pumasok sa isip ko si Trex. Madalas kasi siya ang nambubulabog ng umaga ko. Kumusta na kaya yun? Galit pa rin kaya siya about sa nangyari sa amin last time? Minsan nakakamiss din yung sweet slash manyak side niya.

Ano ulit yun Summer? Namimiss mo siya? Ayiiiiiie~ Go DinoSummer!

Luka kang konsensya ka! Hindi! Hindi ko pala siya namimiss! Joke lang yun. Joke lang! Asa siya! Panget si Trex! Mamaw siya! Hindi ko siya namimiss..

Baby, I'm not a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon