3

11K 302 5
                                    

Summer's POV

"Do you love me Dinosaur?", tanong ng babae sa kanyang kasamang lalake. Nakahiga sila sa ilalim ng puno. Nakatingin sa langit at sinusulit ang oras nilang dalawa na magkasama.

Tumingin naman ito sa kanya. Binigyan niya ang babae ng isang halik sa noo at ngumiti. "Even though your too clumsy to be with. Such a crazy girl, I still love you no matter what. It will never change. That's a promise." Ngumiti naman ang babae at mahigpit nyang niyakap ito.

"Layuan mo ang lalakeng yan! Mamamatay tao ang pamilya niya!"

"Ma! Hindi totoo yan! Mabait---"

"Tumahimik ka! Iwan mo na ang lalakeng iyon. Masama siyang tao! Katulad din siya ng ama niya!"

"Pero Mommy mahal ko siya! Mahal ko si ---"

Nagising ako bigla sa tunog ng alarm clock ko. Minulat ko ang aking mga mata at sinubukan kong maupo pero medyo sumasakit ang ulo ko.

I was having a dream. Lagi ko iyon napapanaginipan. I was like watching a romantic movie at feeling ko ako yung babae. But every time na babanggitin nung girl yung name nung lalakeng mahal niya, laging di natutuloy. Naiinis tuloy ako.

Paano ba naman kasi, yung guy na nasa panaginip ko ay sobrang gwapo kaso payatot and the way he smiles, nakaka inlove! Kaya iniimagine ko na ako yung girl.

Nagkusot kusot muna ako ng mga mata at nag stretching bago ako tumayo ng kama. After that, inayos ko ng mabuti ang pinaghigaan ko then dumiretso na ako sa bathroom. Hilamos, toothbrush at nagpalit ako ng damit. Yan ginawa ko at ng matapos na ang dyosa, bumaba na ako para kumain ng breakfast.

"Good Morning Kuya Kambal!", masigla kong bati kila kuya Genie and Tantan ng makarating ako sa dining. "Good Morning Lil'sis.", bati naman sa akin ni Kuya Eugine. Nagbabasa siya ng newspaper habang umiinom ng coffee.

"Good Morning din, bunso! Come here and have a seat already. Eat your breakfast na!", sabi ni kuya Eithan. Mukha kagagaling niya lang sa jogging. Nakasalpak pa ang earpods sa tenga niya habang kumakain siya.

I smiled at him at naglakad na ako papunta sa kanila. I sat beside Kuya Eithan and tinignan ko naman kung anong breakfast for today. "What do we have here?", tanong ko habang inaayos yung table napkin sa lap ko.

"We have hotdogs, fried eggs, bacon, fried rice and French toasts, what do you want, Lil'sis?", nakangiting tanong sa akin ni kuya Eithan.

Aww. Ang sweet talaga ni Kuya. Ganyan siya palagi tuwing kakain kami. Siya ang magsasabi ng food na naka prepare then siya din maglalagay ng food sa plato ko. Ang swerte ng magiging asawa ni Kuya Tantan pag nagkataon.

"I want... Hotdog and egg as usual and because I'm on a diet, I prefer French Toast, for now."

"Diet?! Diet ka na sa lagay na yan?! Ang payat payat mo kaya oh!", reklamo ni kuya Tantan habang nilalagay yung food ko sa plato ko.

Arg! Kailangan talaga ipaglandakan na payatot ako?! "Nahiya naman ang katawan ko sa katawan mo kuya! For your information, PAYATOT ka rin no! At hindi ako payatot! Sexy ako! As in S-E-X-Y", sabi ko naman sa kanya.

"Aba! Aba! Ako payatot?! Oyy! Lil'sis. May abs tong kuya mong gwapo! Wag ka nga!", hirit pa niya habang nilalagyan niya ng Lemon Juice ang baso ko. Sasagot pa sana ako ng biglang nagsalita si Kuya Eugine.

"Hey! Tumigil nga kayo. Nag aasaran kayo habang nasa harap ng pagkain. Watch your manners.", iritadong sinaway kami ni Kuya Genie. Kami naman ni Kuya Tantan ay nanahimik na lang at pinagpatuloy ang pagkain.

Baby, I'm not a MonsterWhere stories live. Discover now