5

9.9K 275 4
                                    

Summer's POV

Nakakainis! Bakit wala man lang akong nasabi dun kay unidentified human stalker. Napatahimik ako bigla at bumilis ang tibok ng puso ko nung sinabi nya yun. Hindi lang yun ang nagpagimbal ng buong gabi ko. Halos mahimatay ako sa mga nangyari. I felt like I'm having a nightmare. That night? Gustong gusto ko ng tanggalin yung mask niya para malaman ko kung sino siya. But I was totally mesmerized or should I say... Hypnotized by his moves.

Napapasunod niya yung buong sistema ko sa mga sinasabi niya at sadyang inaabsorb ng isip ko lahat ng sweet words niya. No! It can't be. It's really impossible na magkacrush or magkafeelings ako or whatsoever sa lalaking di ko kilala. He's my unidentified human stalker.

I hate it. Ang lakas ng dating niya sa akin. He made me weak. He left me speechless. He's so... Intimidating? Sa sobrang naguguluhan ako ngayon, I can't find the right words to describe that guy with a red mask.

Iritado akong umupo sa bed ko habang nakabalot ng blanket ang mga paa ko. Napatakip na lang ako ng mukha gamit ang mga palad ko dahil sa inis.

Speaking of paa... Napatingin ako sa binigay niyang silver anklet na Infinity ang design.

Nagulat ako sa sinabi niya. Yung feeling na parang humiwalay ang buong kaluluwa ko sa katawan ko at hindi ko alam ang irereact. Napahawak ako sa dibdib ko at hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko.

Does it mean na siya yung stalker ko? The one who gave me those small letters, the hanky and the red rose?

Napalunok ako at dahan dahan nilayo ang katawan ko sa kanya. He was staring at me. So serious. So cold. And I can see in his eyes. The excitement... The feeling of longing for someone and the pain? Hindi ko na alam.

"Hindi ko alam yang sinasabi mo. Kung sino ka man, wala akong panahon para makipaglokohan sayo." Sinimulan ko ng tumalikod sa kanya at maglakad palayo pero hindi pa ako nakakaisang hakbang ay hinigit niya ang kamay ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang pumunta sa likod at niyakap ako mula roon. His lips were brushing through my ear. I can feel the goosebumps all over me. "Never been interested huh? But the way your body responds with my actions... You really want to know me.", he whispered. Goodness gracious! What's with this man?!

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Mr. Let me go. Baka nakakalimutan mong nasa teritoryo ka ng mga Danford. So please, don't make a scene here."

"I don't care.", malamig na sabi niya. Sinubukan ko ulit makawala sa mga bisig niya pero mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Damn it, Summer!

"Stay...", utos niya. Nanigas ako bigla sa kinatatayuan ko. My heart can't stop beating so fast. Tinanggal niya ang mga braso niya sa pagkakayakap sa akin. Pumunta siya sa harap ko at tinitigan ako ng maigi. Pagkatapos nun, nakita ko na lang siyang nakaluhod.

May kung ano siyang dinukot sa bulsa niya at nilabas ang isang pulang box na may lamang silver infinity anklet na agad niya sinuot sa paa ko. I was shocked, literally. What's the meaning of this?

Feeling ko talaga wala ako sa katinuan. Kasi kung matino ako ngayon kanina ko pa sinipa yung mukha niya. Pagkatapos mailagay yung anklet ay tumingala siya sa akin. Again, wearing his smirk pero ngayon, ang creepy ng smirk niya. Tumayo na siya at inayos ang suit niya.

"It's my birthday gift for you, baby. Keep it and take care of it. Now that you have my symbol, lagi mong matatandaan ang pagmamahal ko sayo and that thing will remind you always, na akin ka lang. Walang pwedeng umagaw sayo, Summer. I'll leave you for now. Malapit na rin naman ang araw na masosolo na kita. See you soon, baby.", at tuluyan na siyang naglaho sa paningin ko.

Baby, I'm not a MonsterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora