25

4.6K 77 2
                                    

Summer's POV

It's been days since I saw him changed. Kasabay din niyon ang mga kilos niyang ibang-iba sa unang Trexone Harry na nakilala ko. The one who's being a possessive monster turns into a smiling freak. The one who's being a pervert jerk turns into a gentleman. The man who's freaking goddamn hot bad boy turns into a charming boyfriend material. These past few days, he's being sweet towards me at inaamin ko na kinikilig naman ang dyosa niyo.

Hindi ko nga rin lubos maisip na ang isang katulad niya na very busy person at isang bachelor na ang alam ng karamihan ay wala ng inatupag sa buhay kundi magpalago ng yaman ay nagawa pa niyang magtatag ng sarili niyang day-off para lang sa akin?

Since that day, siya na palagi ang nagpprepare ng breakfast ko. He let me use his kitchen last time nung nagluto kami for lunch. Yeah. As in K-A-M-I... And I can't control my kilig cells right now kapag naaalala ko yung mga kulitan moments namin nun.

At gusto ko talagang matawa kung paano siya mapikon noong hindi niya magawang makapaghiwa ng mga ingredients sa niluluto namin. The best part for me? Yung halos nanakit yung tyan ko kakatawa dahil nakita ko lang naman siyang umiiyak dahil sa sibuyas. He's genuine laughter and smiles. Yung nararamdaman ko na totoo lahat ng saya na pinapakita niya. Those moments when he always hugs me from behind every time na nakatalikod ako.

Those stares that made my knees so weak. Those moments na nakita ko siyang hindi nagsungit sa mga kasama namin dito sa bahay. He's trying to be charming at inaamin ko na kahit sino mahuhulog ang puso sa kanya. Hindi pa rin naman nababawasan ang pagiging manyakis niya pero I don't know why kung bakit ang hot niya pag ganun siya. Hindi katulad dati na halos isumpa ko na siya.

Reminiscing our first date that night... My lips insist to smile and make me look like a freaking idiot. My heart tends to beat faster every time he holds my hand. Yung paghawak niya na para bang ayaw na niya akong bitawan. Filling the spaces between my fingers with his...

It's a just a simple midnight picnic sa garden but I find it so romantic. Every time na tititigan niya ako at sasabayan pa niya ng mga sweet niyang pick-up lines umaarya na naman yung mukha kong nagiging kulay kamatis. Pero medyo sumakit ang ulo ko nun and several blurred scenery ang nakikita ko. Same garden with two teenagers having the same moment like ours. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang nakita ko pero nakilala ko iyon. Same people in my dream's way back. Hindi ko na lang iyon pinansin dahil tinuon ko na lang ang atensyon ko sa date namin ni Trex.

But curiosity kills me...

Panandalian ko na iyon nakalimutan ng biglang nagkaroon ng fireworks at syempre ang dyosa niyo natuwa, halos mamatay na ko sa kilig ng mapansin ko na hindi tinitignan ni Trex yung fireworks, kundi ako. Jusko! Sobrang lapit pa ng mukha niya sa akin at isang lingon ko lang mahahalikan ko na itong si Mamaw.

But I enjoyed every second of that night... And I can't forget the words he whispered to me...

"Baby, I will love you until infinity runs out... Just promise me you'll never go away. Promise me you'll always stay. I love you. I'll wait... And I will never give up on you."


Nagising ako ng may ngiti sa labi ko. Ewan ko ba. Walangya talaga yung halimaw na iyon at lakas ng epekto sa akin. Pero hindi ko rin maiwasan maisip yung thought na sa simula lang ganyan yang si Mamaw. Alam niyo naman baka atakihin ng pagiging bipolar at bumalik na naman siya sa dati. Nagugustuhan ko na kasi yung pinapakita niyang attitude ngayon. It was like, nararamdaman ko na yun naman talaga ang ugali niya.

Kinuha ko yung phone kong kanina pa nag-iingay ng dahil sa alarm at agad itong pinatay. Naupo ako sa kama at iniayos ang sarili ko. Napangiti ako ng mahagip ng paningin ko yung bago kong wallpaper sa phone.

Baby, I'm not a MonsterOnde histórias criam vida. Descubra agora