15

6.2K 145 11
                                    

Summer's POV

Hindi ako makapaniwala na hinalikan ako ng isang Haemich Allen Cross! Gulat, kaba at pagtataka ang naghalo sa katawan ko. Hindi ako makaimik at para bang may kung anong spell ang halik niya at hindi ko man lang siya maitulak. Para akong nabato dito sa kinauupuan ko.

Pero mali ito... Hindi dapat nangyayari to... Sabi ko sa sarili ko kaya walang anu-ano ay buong lakas kong tinulak si Haemich dahilan para mapalayo siya sa akin.

Panigurado ay namumula na ang buong mukha ko dahil sa sobrang awkwardness na bumabalot sa pagitan namin. Parehas kaming naghahabol ng hininga. Sobrang titig na titig ako sa blanket na inuupuan namin ngayon with matching dilat na dilat na mata. Nasapo ko na lang yung dibdib ko at ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Ano bang nangyayari? Bakit ba lagi nalang akong hinahalikan ng mga lalakeng nakakasama ko? Masyado bang kissable yung labi ko at hindi sila makapagtimpi? Sabihin niyo sa akin? Ha? Ha?

Ilang beses ko pang kinurap ang mata ko ng mabilis kasabay ng ilang beses kong paglunok. Halos maubusan na nga ako ng laway eh. Susunod dila ko na malulunok ko. Pero matapos kong mapakalma ang sarili ko ay binaling ko agad ang tingin ko kay Haemich.

Nakatayo siya ngayon habang nakatalikod sa akin. Napansin ko namang marahas niyang niluwagan ang neck tie na suot niya at nasapo niya ang mukha niya. Pagkatapos ay sinabunutan niya ang sarili niyang buhok at pinagdiskitahan niya ang mga damo. Sinisipa niya at tinatapakan ng marahas.

Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya at kung ano anong mga bagay ang pumapasok sa utak ko at napapaisip ako.

Hindi kasi ako makapaniwala na magiging ganito si Haemich sa akin. Ang layo kasi ng inaakto niya sa unang pagkakakilala ko sa kanya. Ang weird ng mga ginagawa niya. Nakakapagtaka at sobra akong nagugulat. I really hate it. Bakit ba napakabilis ng mga pangyayari. Hindi ko namamalayan na pati ang mga taong nasa paligid ko ay nagiging misteryoso na ang inaakto.

"Summer... I'm sorry. I didn't mean to kiss you. It's just... Shit. I'm really sorry.", napatingin lang ako kay Haemich pagkatapos bumalik sa ulirat ang kaluluwa ko galing sa malalim na pag-iisip. Napansin ko siyang nakaluhod sa harapan ko habang hawak niya magkabilang balikat ko. Halata sa mukha niya yung pagsisisi at pag-aalala. He is really frustrated about what happened. About what he did to me. Napayuko na lang siya at huminga ng malalim.

Ako? Hindi ko alam ang sasabihin ko. Walang niisang salita ang lumalabas sa bibig ko. Para akong natrauma o kaya naman ay nagulat ng sobra sobra at hindi makarespond ang senses ko.

"Ihahatid na lang kita.", pagkasabi niya nun ay napatango na lamang ako at inalalayan niya ako tumayo. Mabilis niyang niligpit ang mga ginamit namin habang ako ay nakatingin lang sa kanya. What I'm feeling right now? Lutang...

Sumakay na kami sa kotse niya pagkatapos at inihatid na niya ako sa mansion kung saan panigurado ay naandon na ang halimaw.

"Summer. Magsalita ka naman please? Are you mad at me? I'm really sorry...", nasa tapat na kami ng Mansion pero hindi pa ako nakakababa. Ayaw kasi akong palabasin nitong si Haemich hanggang di ako nagsasalita eh. Ang kulit nga niya. Nagmake face pa nga siya para lang makuha yung atensyon ko.

Bahagya naman akong natawa at tumingin ako sa kanya.

"Kulit mo rin pala, Mich. Fine. Okay na. Wag ka ng magsorry kasi sabi mo hindi mo naman sinasadya. Hindi na ko galit.", sabi ko sa kanya sabay ngiti.

"Sigurado ka ahh. So, goodnight na?"

"Okay Goodnight, Mich. Thanks for this night kahit medyo awkward. Thank you na rin sa paghatid."

Baby, I'm not a MonsterNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ