18

5K 122 8
                                    

Summer's POV

"Rape! Help! Rape!", kanina pa ko nagsisigaw dito sa loob ng kotse ni Trex. Nang marinig ko yung sinabi niya kanina ay halos maging hinog na kamatis na ang mukha dahil sa pula dala na rin ng kahihiyan.

Tinakpan ko yung mukha ko ng mga kamay ko at impit na tumitili pa rin. Sumilip ako ng bahagya at nakita ko naman si mamaw na may ngisi sa labi habang nakatingin sa akin.

"What?! I hate you, Trex! Manyak! Bastos!", sigaw ko sa kanya at ngayon, hinahampas ko na siya ng bongga! Bwisit na halimaw to! May balak pa ata akong gahasain! Shit.

Bigla na lang akong napasandal sa pinto ng kotse ng marahas akong hinawakan ni Trex sa magkabilang braso ko. Nanlaki ang mga mata ko at gulat na napatitig sa kanya. Hindi pa rin naalis yung ngisi niya at unti unti siyang lumalapit sa akin. Bumibilis na naman yung tibok ng puso ko. Myghad! Anong binabalak ni Trex?!

"T-trex?", wala na ngang lumalabas sa bibig ko na salita nauutal pa ko!

Lumapit pa lalo yung mukha ni Trex sa mukha ko. Konti na lang ay lalapat na yung labi niya sa labi ko.

"Yes baby? You know, I've been longing for this...", napalunok ako ng marinig ko ang malalim niyang boses at yung tingin niya ay bumababa sa labi ko. He managed to bite his lip at... Bakit ba nakakaakit yung nilalang na ito! Oh Jusko! Wala pa ko balak magkasala kay Trex!

Lalo pa niyang nilapit ang mukha niya at napapikit na lang ako. Naghihintay na lang ako sa susunod na mangyayare. Bahala na si Batman! Naramdaman ko sa labi ko yung mainit na hininga ni Trex na amoy mint. Biglang...

Umayos ng upo si Trex sa driver's seat at kinuha ang tumutunog na phone niya. Napalunok ako ng ilang beses at nasapo ko ng mahigpit ang dibdib ko. Dahan dahan akong umayos ng pagkakaupo. Kumuha ako ng tissue sa bag ko at pinunas sa noo ko na may konting pawis na.

"Fuck! We're on our way!", napatingin naman ako kay Trex na bakas sa mukha niya yung inis at napahawak siya sa sentido niya. Nilapag niya yung phone at sinimulan ng paandarin muli yung kotse at tinahak na ang daan.

"Relax now baby. Mamaya ko na itutuloy.", aniya ng may malokong ngiti.

"Heh! Manyak ka Trex ka! Bastos!", sigaw ko sabay bato sa kanya ng tissue na ginamit ko. Nakakastress talaga ang mamaw na ito!

Ala syete na ng gabi ng makarating kami sa Amore Mio Hotel dito sa may bagong resort ng kompanya ni Trex. Kakahinto pa lang ng kotse nang bigla na lang bumukas yung pinto sa side ko. Nagulat ako at bigla na lang may naglahad ng kamay sa harap ko.

Napatingin ako kay Trex na para bang may inaayos pa at binalik ang tingin sa kamay na nakalahad. Napangiti ako ng bahagya ng maging pamilyar ang kamay na ito at pagtingala ko...

Yung sikit at cute niyang ngiti ang bumungad sa akin.

"Welcome to Amore Mio, Summer.", sabi niya. Natawa na lang ako sa pagiging mambobola niya at inilahad ko na ang kamay ko sa kamay niya. "Cheesy mo ahh.", sabi ko kasabay ng paglabas ko sa kotse ni Trex. Naramdaman ko naman ang kamay ni Rage sa bewang ko.

Nagsimula na kaming maglakad papasok ng Hotel.

"I said no other guy can touch you. Fuck. Come with me, Summer Ysabelle!", halos mapatid ako ng bigla akong hilain ni Trex. Kinaladkad lang naman niya ako kasama niya.

"Trex! Dahan dahan naman!", sigaw ko at napatingin ako kay Rage na hindi maipinta ang mukha. Bumulong na lang ako ng sorry at hinayaan ang sarili kong tangayin ng Dinosaur na Mamaw na ito!

Sa totoo lang? Ang awkward ng seating arrangement namin dito sa long table kung saan kami magddinner kasama yung iba pa sa 3 day event na ito.

Napapagitnaan lang naman ako ni Mamaw at ni Rage. Si Trex na nasa kanan ko na sobrang higpit ng hawak sa kamay ko at nagtatago ang kamay namin sa ilalim ng mesa. Si Rage naman na nasa kaliwa ko na parang naglue ang mata sa akin at kanina pa nakatitig habang nakangiti.

Jusko! Ano ba naman to. Nakakaiyak Summer!

Pagkatapos ng ilang minuto na paghihintay namin ay dumating na yung food. Maraming naka chef na suot ang lumabas sa may kitchen at nahagip ng paningin ko si kwan! Si kwan ba talaga ang nakikita ko?! Eh? Chef siya?!

Yung kwan lang naman na binabanggit ko ay si Haemich! Seryoso siyang naglakakad papunta sa table namin. Siya ang nasa pinakaharap at nakasunod yung iba pang chef sa kanya.

"Ayan na! Ayan na yung luto ni Chef Mich!", kantyaw nila Ezekiel and the company kay Haemich. Ningitian lang ni Haemich ang mga ito at sinerve na ang mga pagkain.

"Lemon-Basil Orzotto for Summer...", pagkalapag ng food ay napatingin ako sa gilid ko. Halos mapatalon ako sa gulat ng bumungad sa akin ang mukha ni Haemich. Muntik ko na siyang mahalikan dahil dun.

Naalala ko na naman yung hinalikan niya ako. Bigla tuloy akong nagblush. My gosh. Nakangiti siyang nakatingin sa akin. Napatitig lang din ako sa kanya.

"EHEM!", bumalik ako sa ulirat ng sabay napaubo yung dalawang nilalang na nasa tabi ko. Ganun din si Haemich at diretsong tumayo sa pwesto niya.

"Enjoy your dinner guys.", huling sabi ni Haemich at tuluyan ng umalis.

Sinimulan ko ng kainin yung pasta at in fairness, masarap siya. No doubts na magaling siya magluto. Siguro eto ang way niya to attract girls. Kung ano ano na naiisip ko.

"Hey Summie, try this one.", tumingin ako kay Rage. Tinapat niya sa akin yung isang kutsara ng food niya.

"Eh? Okay na ko dito sa pasta.", sabi ko. Naramdaman ko na naman yung nag aapoy na titig ni Trex.

"Masarap siya, Summie. Promise. Say 'aah'?", eto na naman siya. Dinadaan na naman niya ako sa para paraan nitong chinito na ito. Ako naman eto ngumanga na lang din.

Rage giggled after niyang maisubo yung food sa akin. Nag thumbs up ako bilang pag sang ayon na masarap nga talaga yung food.

"No baby, mine is better. This is Haemich's best pasta ever. Try this. Ahh?", say naman ni Trex. Nakasmirk siya habang nakatapat sa bibig ko yung pasta.

"Trex... Busog na ko eh.", palusot ko. Ewan ko. Para kasing nahihiya ako na ganito inaakto namin ng big boss...

Napatingin naman kami ni Trex kila Adonis at Ezekiel ng bigla silang kumanta ng...

"Para- paraan para paraan! ---", napatigil sila ng tignan ng masama ni Trex. Maloko talaga itong mga ito.

Inilapit ni Trex yung labi niya sa tenga ko at napalayo ako ng kaunti dahil medyo nakiliti ako. Nanlaki yung mata ko sa binulong niya.

"Eat this one, or I'll eat your precious thing of yours down there?!", dahil ditto ay namula ang mukha ko. Ayoko na! Super high na ng kamanyakan ni Mamaw! Bwisit! Bwisit! Inagaw ko na agad sa kanya yung kutsara at sinubo yung inaalok niya.

"Ang sarap na baby! Tama ka! Ang sarap!", mukang tangang sabi ko. Bwisit kang dinosaur ka! Yari yang hotdog at egg mo sa akin! Napakamanyak mo talaga!

"Sorry po talaga Sir Stanford. Hindi niyo po magagamit yung reserved room para sa inyo. Nagkaaberya po yung aircon at ilaw sa room na iyon. Inaayos pa po ng maintenance team."

"I told you before na makadating kami dito ay wala ng problema! Pulido na dapat! Damn it!", pagkalabas ko ng room ko ay iyan na ang naabutan ko. Magpapahangin sana ko sa labas pero itong si Trex the Mamaw na high blood ang sumalubong sa akin.

"Sorry po talaga Sir.", say nung emplayado ata dito sa hotel at napayuko na lang...

"Fuck!", sakit talaga sa tenga magmura nitong si Trex. Hinilod niya yung ulo at bigla siyang napatingin sa akin. Saglit lang yun at humarap siya sa babaeng kausap niya.

"Leave! I know where I can stay.", pagkatapos nun ay lumapit si Trex sa akin.

"I don't have a room. I'll stay here whether you like it or not.", aniya at dire - diretso siyang pumasok ng room ko. What the?! No! Hindi pwede! HINDI!

"STANFORD!"

Baby, I'm not a MonsterWhere stories live. Discover now