Chapter 31: Rescue Me

28.1K 718 27
                                    

Chapter 31.1: Rescue me...

Lancer Pov

Kanina pa ako bad trip sa bahay kasi puro na lang company ang pinag uusapan. Kasama na din ang " marriage proposal" na pinagplaplanuhan nila.

My dad is trying everything for me to accept the marriage proposal. My credit cards are now on hold. Napangiti na lang ako. Sa tingin niya ba matatakot ako dahil lang sa wala akong pera? Tssss.. Pwes hindi niya ako kilala.

Umupo ako sa may gutter ng rooftop at hinayaang umihip ang hangin sa mukha ko. Gusto ko ang lugar na ito kasi tahimik tapos katapat pa ng building ni Neneng. Actually kita ko ang pintuan ng room nila.

Pumikit ako at pinakiramdaman ang hangin.

" WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH! Mareng Lance! Mareng Lance! Huwag kang tatalon!" biglang nakadinig ako ng sigaw.

Napamulat ako at nakita ko si NENENG na nagmamadaling tumakbo.

Mayamaya ay bumukas ang pintuan sa roof top at nandoon si Neneng na humihingal pa na lumapit sa akin.

"Mareng lance... Hindi pa katapusan ng lahat.. hindi mo kailangang tapusin ang buhay mo dahil lang sa natalo ka sa pageant!" sabi niya at hinawakan ako sa braso. Nakatingin lang ako sa kanya.

Ha? Natalo sa Pageant?

" Mareng *hingal* Lance... huwag kang magpapakamatay... hindi mo sigurado na matatapos na ang problema mo kung magpapakamatay ka...Alam mo bang hindi tinatanggap sa langit ang mga nagpapakamatay.... Isa pa.. isipin mo ang iba nga nagbabayad ng malaki sa ospital para lang mas mabuhay ng matagal.. tapos ikaw..magpapakamatay lang?! Isa pa tingin mo ba.... Ikaw lang ang may problema? Ang iba nga mas malala pa eh..pero sila hindi sumusuko... patuloy na lumalaban sa buhay.." naiiyak na niyang sabi.

" Mareng lance... Sabihin mo kung ano ang problema.... Tutulungan kita.. hindi ka mag-iisa mareng lance.... " iyak niya habang hinihila ako palayo sa gutter ng rooftop.

Napangiti ako sa kanya. Umalis na lang ako sa gutter at tumayo ng maayos sa harap niya.

Bigla siyang napaupo sa sahig at nagpakawala ng hininga.

I saw relief flowing to her face.

" Mabuti nalang.. naka abot ako..." bulong niya at biglang napaiyak. Siguro sa kaba at takot niya para sa akin.

I felt warm inside. LOOKING AT HER FACE FULL OF CONCERN FOR ME MAKES ME THE HAPPIEST GUY AT THE MOMENT.

" SHH. Im sorry Neng.. hindi mo kailangang mag-alala..." sabi ko at binigay sa kanya ang panyo.

" anong hindi?! magpapakamatay yung kaibigan ko .. natural mag-aalala ako." iyak niya.

I felt a little pang in my heart when she said " kaibigan" but at least.... she cares diba? Kahit bilang kaibigan lang.. tsk.

" mARENG lance.... Pwede ka namang sumali sa ibang pageant eh.. kung natalo ka hindi ibig sabihin nun na panget ka na... maganda ka mareng lance.. para sa akin.. ikaw ang nanalo..walang wala sila sa kagandahan mo." Sabi niya habang pinupunasan ang luha.

" Kaya Mare.. huwag ka ng magpapakamatay. Sayang." Dagdag niya.

Umupo ako sa tabi niya at natawa. Ano daw???? Natalo sa pageant? Haahhaha.. akala ba talaga ni Neneng ay bading ako?!

Tsk.. i find her soo cute.

" Hindi ako sumali sa pageant ah... hahahah! Ikaw talaga.. tsaka isa pa hindi naman ako magpapakamatay." Sabi ko sa kanya.

Bigla siyang napatingin sa akin.

" T-talaga?" tanong niya.

" OO naman. Nagpapahangin lang ako." Natatawang sagot ko.

Wanted: MommyWhere stories live. Discover now