Chapter 3 (part 2)

599 8 0
                                    

“Hayan. ‘Di na pala natin nailigpit kagabi ‘to. Nakatulog na pala tayo nu’n,” sabi sa akin ni Raprap.

“Oo nga eh. Sige maliligo na muna ako,” sabi ko naman sa kanya.

“Sige. Mag-isip ka na din ng isa-suggest mo para sa gagawin natin mamaya,” ani Raprap.

“Oh sige,” sagot ko.

Kumuha ako ng mga damit para pagbihisan. Hindi ko masyadong napansin na ang dami ko palang dalang damit. Sabagay, kung hindi ako nagkakamali, limang araw o isang linggo kami dito. Maganda na ang prepared. Tulad ng kagabi, inenjoy ko na naman ang pagligo. Kaso parang mas malamig ang tubig ngayong umaga. Nanginig ako bigla. Minadali ko na lang. Pagkatapos kong maglinis ng katawan, minabuti kong tumulong sa pagluluto ng almusal namin. Kinausap ko si Raprap.

“Rap, tutulong sana ako sa paghahanda ng almusal,” sabi ko sa kanya.

“Ganun ba? O sige habang tulog pa ‘yung iba. Sunod ka sa akin,” sabi ni Raprap.

Sinundan ko s’ya. Sa isang maliit na silid kami tumungo. Mayroon dung isang ale kasama ng pinsan ni Raprap na si James. Lumapit si Raprap dun sa ale.

“Tita, mano po,” sabay mano sa ale.

“God bless iho, bakit kayo naparito? Lulutuin ko na ba ‘yung breakfast n’yo?” sabi nung ale.

“Opo tita. Gusto po sanang tumulong nitong kaibigan kong si Mark,” sabi sa kanya ni Raprap. “Mark, si Tita Janet, mama ni kuya James,” sabi naman n’ya sa akin.

“Bless po tita,” nagmano naman ako sa kanya.

“God bless din iho,” sagot ni Tita Janet sa akin.

“Magaling pong magluto ‘yan tita. Kayo na po ang bahala sa kanya. Balikan ko lang po ‘yung iba naming kasama,” ani Raprap.

“Sige Rap. Mukha namang mabait itong si Mark eh,” sabi ni Tita Janet.

Aba eh pinagdudahan pa ako kung mabait talaga ako. ‘Di pa ba halata sa mukha ko? Haha.

“Sige po tita, salamat,” sabi ni Raprap at bumalik na nga sa silid namin.

Samantala, inumpisahan na nga namin ni Tita Janet ang pagluluto. Inihanda na n’ya ang mga sangkap at kakailanganin sa pagluluto.

“Tita, ano pong lulutuin natin?” tanong ko sa kanya.

“Arrozcaldo. Alam mo bang lutuin ‘to?”

“Ah opo. Masarap po iyan.”

Ako ang nanghiwa ng mga dapat hiwain samantalang si tita naman ang naghanda ng manok at nagluluto. Lumapit si James.

“Oh ma, isama mo na din ang para sa akin d’yan ah,” sabi n’ya kay tita.

“Oo, marami na ‘to,” sagot n’ya sa anak.

“Sige po. Kasama n’yo po pala si…”

“Mark,” dugtong ko.

“Ah oo. Pasensya na Mark kung medyo nakalimutan ko pangalan mo. Ang dami n’yo kasi eh,” sabi sa akin ni James.

“Okay lang ‘yun. Pasensya na din sa nangyari kanina.”

“Ah ‘yun ba? Okay lang ‘yun.”

Ikinukubli n’ya ang kanyang pasa na nakuha yata sa suntok ni Theo. Hindi ko na ‘yun pinansin dahil nahihiya din ako kay Tita Janet.

“S’ya nga pala. Naikuwento ni James ‘yung nangyari kanina. Pagpasensyahan n’yo na s’ya ah,” sabi sa akin ni tita.

“Hay naku tita, kami po dapat humingi ng paumanhin.”

“Hayaan n’yo na ‘yun sige,” sabi ni James.

Dream Vacation: Ang Kwento ng Pag-ibig, Pagkakaibigan, at KababalaghanWhere stories live. Discover now