Chapter Twenty-Three

1.9K 71 17
                                    

Xeiryz Eiryxztheinne Vindagnyr

So far apat lamang ang subjects naming mga Elites. Kasalukuyan akong nagbibihis ngayon sa aking kwarto. Nagising na lang ako kanina na wala na si Cross. Matapos suotin ang uniform ay ikinabit ko na ang crest tanda na isa akong Elites. Matapos no'n ay agad na akong bumaba. Mukhang wala pa 'yung iba, napaaga ata ako.

Dumeretso ako sa kusina at nadatnan ko sila Travence at River doon.

"Good morning" bati ko. Sabay naman silang napalingon sa akin.

"Morning" Travence

"Good morning" River

"Tulungan ko na kayong maghanda" sambit ko na ikinatango ni River. Agad na akong kumuha ng mga plato, kutsara, tinidor maging mga baso. Nagtimpla naman ng juice si River. Nang makapaghapag na kami ng mga pagkain ay napagpasyahan na naming tawagin ang iba.

Tahimik lamang kaming kumakain. Ngunit hindi nakakaligtas sa mata ko kung paano irapan ni Mira si Devin. Nang matapos kumain ay nagprisinta na si Mirod na maghugas ng plato kabang kami naman ni Mira ang nagligpit sa mesa.

Pagkatapos ay lumabas na kami ng mansyon. Saktong paglabas namin ay ang paglabas din ng royalties. Wala si Kuya Xenon at si Kaye. Hindi na lang namin sila pinansin ngunit bago ako tumalikod ay nakita ko pa kung papaano ako samaan ng tingin ni Carol. Wala sa sariling napangisi ako. Malamang sa malamang ay hindi ako titigilan ni Carol. Isa sa pinaka-ayaw niya ay ang natatalo. She's known as the genius of Royals.

Nagkibit-balikat na lamang ako. Habang papunta sa aming room ay hindi maiwasan ang bangayan ni Mira at Devin. Hindi na ako magtataka kung ang dalawang 'to ay magkatuluyan. Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Mirod at Kai. Ngumiti na lamang ako.

"Xeiryz, ang sama ng tingin sa'yo ni Carol" bulong ni Mirod sa akin. Napangiwi na lamang ako ngunit hindi ako lumingon.

"Alam ko, kanina pa nga 'yan eh" bulong ko rin. Si Kai naman ay umabrisete sa kanang kamay ko.

"Natalo mo kasi sa paligsahan" ngisi-ngising sabi niya. Natawa ako ng mahina. Masyadong obvious hindi ba? Umiling-iling na lamang ako at hindi na pinansin pa ang matalim na tingin ni Carol. Hindi nakamamatay ang tingin.

Pagkarating namin sa room ay nagkanya-kanyang upo na kami. Napakalinis ng room ng Elites. Malawak rin ito. Ang upuan ay may kanya-kanyang mesa. It's nice since p-pwede akong matulog if ever. Napagpasyahan kong pumwesto sa harap malapit sa bintana, habang si Mira naman ay sa gitna katabi ko. May bakanteng tatlong upuan, marahil sa dalawa pang miyembro at ang upuan ni Cross dati.

Dahil nga apat na subjects lang meron kami, at tig d-dalawang oras bawat subject. Halos mag-init ang pwet ko kakaupo. After ng dalawang subject ay lunch na. Tapos ang pang mamayang tanghali naman ay ang pagsasanay gamit ang kapangyarihan at mga weapons. Sa unang dalawang subject ay tungkol sa mga laws ng bawat imperyo at ang kapangyarihan meron ang konseho, samantalang ang isa naman ay history ng bawat imperyo.

Talagang hinahasa nila kami dahil kami ang susunod na magiging konseho. Tunay nga na napakalawak ang kapangyarihan nila. Hindi mangyayari ang desisyon ng isang hari kung walang pahintulot ng konseho. Kaya naman pala gustong-gusto ng karamihan na mapasali sa grupong ito.

Nang matapos na ang klase ay agad akong tumayo at nag unat-unat.

"Grabe, kahit na apat lang ang subject at mahaba ang oras sa pagtatalakay ay hindi ako na-boring" sambit ni Mira. Napatango naman ako bilang pagsang-ayon.

"Kung anong focus natin, dun lang talaga dapat" sambit naman ni Kai. Sabagay, mas maganda nga naman na 'yung gano'n, atleast hindi na kami mahihirapan.

"Tara na ba sa cafeteria?" Nakahawak sa tiyan na tanong ni Mirod. Sabay-sabay na tumango kami dahilan para pumalakpak ito. Agad siyang lumapit sa akin at umabrisete sa aking braso.

No Longer A VillainessWhere stories live. Discover now