Chapter One

2.4K 94 35
                                    


Xeiryz Eiryxztheinne Vindagnyr

Agad na iminulat ko ang mga mata ko. I just stared at the ceiling. Wala akong ibang maramdaman kundi ang galit at poot. Dahan dahan akong tumayo. Masakit ang buong katawan ko.

Agad na bumukas ang pinto ko at bumungad sa akin ng personal maid ko. Malaki ang mata na tumingin ito sa akin ata agad akong dinaluhan.

“Princess! Gising ka na!” natutuwang sambit niya. I just looked at her.

“Water” nauutal at mahinang sambit ko. Tuyong tuyo ang lalamunan ko. Ilang araw ba akong tulog?

Tarantang kumuha ito ang tubig at pinainom sa akin. I feel refreshed after drinking a water.

“Ilang araw ba akong tulog Kara?” tanong ko. Nabigla naman ito at tumingin sa akin.

“Two months young lady. You were asleep for two months”

Huminga na lamang ako ng malalim. So that's the reason why I feel that my body numbs. Dalawang buwan pala akong tulog. Kamusta naman kaya ang magagaling kong kapatid at kaibigan?

Napayukom ako ng kamay ng muling maalala ang ginawa nila sa akin. Hindi ko sila mapapatawad.

“Ipapaalam ko po sa hari at reyna na gising na kayo young lady” paalam ni Kara. Lumabas naman agad ito sa kwarto ko.

Bigla kong namiss sila mommy at daddy. Muli kong naalala ang nangyari sa amin ng mga royalties. Hindi ako papayag na hindi makaganti sa kanila.

Lahat sila ay ayaw sa akin. Kaya naman, gagawin ko ang lahat para makuha ang loob nila. I want to play them. Babaguhin ko ang sarili ko kasabay ng paghihiganti ko.

You gained everyone's sympathy and make yourself look like a goody princess Kaye, ngayon ay ako naman ang bida. Aagawin ko sa'yo ang lahat. I'll make the table upside down. Just wait for me.

Naramdaman ko ang malapit na presensya nila mommy at daddy. Mabilis na pinalitan ko ang ekspresyon ko.

Bumukas muli ang pinto at tumambad sa akin sila mommy, daddy at si Kara.

“Mommy, Daddy” naiiyak na tawag ko. Agad naman nila akong nilapitan at niyakap. Napapikit na lamang ako, I really missed them.

“Anak. Thank god you're awake” hinawakan ni mommy ang pisngi ko.

Lumingon naman ako kay daddy na nag-aalalang nakaringin rin sa akin. Alam kong alam na nila ang ginawa ko kay Kaye. Pantay-pantay ang pagmamahal nila mommy at daddy sa amin, maging si Kaye ay tinanggap at minahal nila. But sorry, hindi ako kuntento sa pantay lang, gusto kong humigit.

“What happened?” mahinang tanong ko. Mom looked at me with pitiness and worriedness in her eyes.

Ayokong makitang naaawa siya sa akin. I despised it.

“Nakita ka naming palutang-lutang sa lawa sa forbidden forest. Anak, did you tried to kill yourself?” tanong ni daddy.

Forbidden forest? Ano namang ginawa ko roon? Paano ako napunta roon?

Nalilito man ngunit hindi ko ito pinahalata.

“I heard you almost kill your sister, Kaye” muling sambit ni daddy. Napayukom ako ng kamay.

Kinagat ko ang labi ko at umiyak.

“Galit po ba kayo sa akin?” umiiyak na tanong ko.

“Anak, hindi. Huwag kang mag-isip ng ganyan. Hindi kami galit okay? Though we're just disappointed” pang-aalo ni mommy. Dad sighed and grabbed me to give me a hug. Napangisi na lang ako ng wala sa oras.

No Longer A VillainessWhere stories live. Discover now