Chapter Thirteen

1.4K 60 15
                                    

Xeiryz Eiryxztheinne Vindagnyr

Ilang araw na akong umiiwas kay Cross. Hanggang ngayon pa rin kasi ay masama ang loob ko sa kanya. Madalas akong pumapasyal sa reyna, kung hindi naman ay nasa garden kami ni Kara, minsan naman ay nagkukulong lamang ako sa kwarto ko. Ilang beses ng tinangka ni Cross na kausapin ako pero hindi ko talaga siya pinapansin. Si Kuya Eros naman ay hindi tumitigil sa paggawa ng paraan para magkabati kami ni Cross.

Naririto ako ngayon sa Althia Park. Wala si Kara dahil naghahanda siya ng meryenda ko. Tahimik lamang akong nagbabasa ng libro ng makarinig ako ng yapak.

"Ang tagal mo naman Kara" sambit ko pero sa libro pa rin nakatingin.

"Kitten" napamulagat ako at nabitawan ang libro. Tumambad sa akin si Cross. Napansin ko ang itim sa ibaba ng mata niya. He looked tired.

"What are you doing here?" Mataray na tanong ko sa kanya. Nakita ko ang paglungkot ng mata niya kaya agad akong umiwas ng tingin.

"Kitten, I'm sorry" sambit niya pero nanatili akong malayo ang tingin. Nagtatampo pa rin talaga ako. Noong magising kasi ako ay iniiwasan niya ako. Imbes na bumawi siya parang lumalayo pa siya. Kaya sa inis ko, edi iniwasan ko siya.

"Please? Let me explain kitten" he plead. Napanguso na lamang ako at humarap sa kanya.

"Okay" sabay irap ko. Ngumiti naman ito atsaka umupo sa tabi ko.

"About what happened in Qiwu. Inutusan kasi ako ni Daddy na personal na bantayan ang susunod na target ng Black Organization. Sinama ko si Arthur para hindi kami mahalata sa gagawin namin. Sinadya kong ipaiwan si Eros para bantayan ka niya. Nakalimutan kong may lakad tayo ng araw na iyon, I'm really sorry" ani niya habang nakayakap sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako.

"Okay. Pero sana sa susunod magsabi ka. Alam mo bang naghintay ako?" Taas kilay na sabi ko.

"Yes, I promise" he uttered. Ngumiti na lamang ako.

"Bati na tayo hmm? Huwag mo na akong iwasan. I'm hurting" Napatulala ako sa kanya. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Why would he feel hurt?

"Ahh, okay. Bati na tayo" mabilis na sabi ko sabay iwas ng tingin. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya dahilan para tumingin ako sa kanya. Gamit ang panyo ay pinunasan niya ang ibaba ng mata niya. Napaawang ako ng labi. So fake lang yung eyebags niya?!

"What the!" Bulalas ko. He just grinned.

"Hindi na pala kailangan nito tsk tsk" sambit niya sabay tago ng panyo. Nakatingin lamang ako sa kanya. May pa ganon ganon pa siya eh. Explanation lang naman kailangan ko.

Saglit na natigilan ako ng timitig ito sa akin. I suddenly felt cautious. Mula sa mata ko ay bumaba ang tingin niya. Nagsalubong ang kilay ko. Kita ko ang paglunok niya.

"I really wanted to taste that so bad" he whispered. Nagtataka akong tumingin sa kanya. Pinagsasabi niya?

But before I asked him at naramdaman ko na lamang ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Nanlalaki ang mata ko. Mabilis na humiwalay ito atsaka ngumisi.

"Soft" he said. Nag-iinit ang pisngi ko. Did he just kissed me? Parang lalabas na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso nito.

Maya maya ay hinalikan na naman niya ang labi ko. Napaatras ako ng wala sa oras. Taenaa, huhu pangalawang beses na.

"I love kissing your lips" nakagat ko ang labi ko ng wala sa oras. Gosh, he's killing me!

"Cross!" Bulalas ko ng muli na naman niya akong hinalikan. He just freaking kissed me three times!

No Longer A VillainessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora