Chapter Eleven

1.4K 65 12
                                    

Xeiryz Eiryxztheinne Vindagnyr

A beautiful chandelier is the first thing my eyes caught. Agad na tinakpan ko ang mata ko dahil sa liwanag nito. Nang medyo okay na ay inalis ko na ang kamay ko. I roamed my eyes on the room. This is not my room.

Mine is colorful. While this room is simple but elegant, a combination of brown and white. It's cozy and I like it. Masyadong malaki ang kama na ito. Maybe this is king sized bed. Yung akin kasi ay queen sized lang. Malawak rin ang kwarto. Teka, nasaan ba ako?

Agad na inalala ko ang nangyari. Ang naaalala ko lang ay ang pagtatalo sa palasyo noon at ang pagtakbo atsaka may nabangga ako. Biglang nag-init ang mata ko ng maalala ko kung papaano ako pagbuhatan ng kamay ni daddy. Ni hindi man lang nila ako hinabol. Tumulo ang mga luha sa mata ko kasabay ng paghikbi ko. Umupo ako atsaka hinablot at isang unan at niyakap ng mahigpit.

Wala na akong babalikan pa. Hindi na ako prinsesa. Hindi rin ako miyembro ng kanilang pamilya. Isa na lamang akong commoner. Masakit pero wala na akong magagawa. Ayoko na rin namang bumalik pa doon. Napaisip ako. Hinahanap kaya nila ako ngayon? Siguro hindi. Wala naman pala silang pakialam sa akin.

Rumehistro sa isip ko ang mukha ni mommy. Napahagulgol na lang ako ng wala sa oras. Baka nag-aalala na sa akin si mommy. As much as I wanted to go back and hug mom, I can't. Masyadong sariwa at masakit pa rin sa akin ang ginawa nila. Ayoko ng isipin pa sila dahil bumibigat ang pakiramdam ko.

Sinubsob ko ang mukha ko sa unan at saka umiyak lang. I wanted to shout to ease the pain pero hindi ko magawa dahil hindi naman pamilyar sa akin ang lugar na ito. Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero hindi ako nag-abalang tingnan kung sino.

"Eiry" rinig ko ang boses ni Cross. Wala sa sariling napatingin ako sa kanya. Mula sa seryosong mukha niya ay agad itong napakunot.

"What's wrong? Why are you crying? May masakit ba sa'yo?" Sunod sunod na tanong niya at umupo sa tabi ko. Mabilis na umiling ako habang umiiyak at humihikbi. Agad na kinabig niya ako at niyakap. Tahimik lang akong umiiyak sa dibdib niya.

Naalala ko. It was Cross whom I bumped with when I was running away. Siya rin ang nakinig sa akin habang sinasabi ko ang ginawa nila sa akin. He was there. I can still feel his warm hug.

Ilang minuto rin akong umiyak sa dibdib niya. Medyo tumahan naman na ako. Kumalas ako ng yakap atsaka tumitig sa kanya. I want to say something pero nanunuyot ang lalamunan ko. Agad na napahawak ako doon at tumingin sa kanya. Naintindihan niya naman kaya inabot niya sa akin ang baso na nasa side table.

"Here, drink first" inalalayan niya ako sa pag-inom. Sa sobrang tuyot ng lalamunan ko ay naka dalawang basong tubig ako. Pagkatapos uminom at inalalayan niya akong sumandal sa headboard ng kama.

"What do you feel?" He asked.

"I feel numb and tired" mahinang sabi ko. I heard him sighed.

"That's because you were asleep for two days, then you woke up and cried" seryosong sabi ni Cross. Bahagyang napangiwi ako dahil sa sinabi niya. Kaya pala gutom na ako dahil dalawang araw pala akong tulog.

"Cross, nasaan ako?" Sambit ko.

"Here in Altherra Kingdom" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Ano?! Seryoso ka ba? Bakit dito mo ako dinala? " Mabilis na sabi ko. Hala gagi, baka nakita ako ng hari at reyna. Nakakahiya naman.

"Don't shout. Kagigising mo lang tapos ang lakas mong sumigaw" sinamaan niya ako ng tingin. Napanguso na lang ako at muling sumandal sa kama.

"Of course I'll bring you here because this is my home you brat" he said as he pinched my nose. Agad na dumaing ako. Ang sakit kaya.

"Aray naman. Ang daming pwedeng kurutin yung ilong ko pa" reklamo ko at agad na hinimas ang ilong ko. Maswerte siya at matangos ilong ko. Magsasalita na sana ako ng biglang tumunog ang tiyan ko. Nagtama ang paningin namin at unti-unting namuo ang ngisi sa labi niya. Agad na nag-init ang pisngi ko.

No Longer A VillainessWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu