Chapter Twenty

1.5K 77 31
                                    

Xeiryz Eiryxztheinne Vindagnyr

Matapos kumain ay dumeretso na ako sa kwarto ko. Kaye is suspended for two weeks, yun ang parusa sa kanya. Cross wanted to kick her out pero first offense pa lang naman kaya hindi pa mabigat ang punishment niya. Halos maiyak ako sa tuwa ng ibalita sa akin iyon nila mama at papa. Kahit na nakiusap ang magaling kong ama ay hindi pumayag sila papa maging ang supreme leader ng council na daddy ni Mira. 

My biological parents didn't even come to see me. Ni hindi man lang sila humingi ng tawad. Ni hindi man lang nila tiningnan ang kalagayan ko. But anyways, I don't need them. I have a new family, sila na lang ang pagtutuunan ko ng pansin.

Kinabukasan ay may klase na naman. Walang Kaye sa loob ng dalawang linggo. Wala tuloy akong mapagt-tripan.

I spent my whole day planning on how to make my next move. I want everybody to be on my side. Hindi ako makakagalaw ng maayos kapag maraming nakamasid sa akin. I need someone to do something for me.

Hindi naman pwedeng si Cross. I know he's a righteous man. At ayokong mag-iba ang tingin niya once na malaman niya ang mga ginagawa ko.

For months na magkasama kami ni Cross, I know I feel something. Something strange whenever I'm with him. Ni hindi ko alam kung gusto ko ba siya or what. All I know is, I'm happy and contented when he's with me. Hindi naman ako naghahangad ng mas higit pa sa kung anong samahan meron kami ngayon dahil hindi naman ganoon kalalim ang nararamdaman ko sa kanya. He makes me happy, he makes me blush, pero hanggang doon na lamang iyon. For now, ang focus ko talaga ay ang gumanti lang. There's no room for love.

I sighed heavily. Sobrang boring kapag mag-isa ka lang. Wala naman kasi si Kara eh. I decided to leave my room and take a walk outside. I need fresh air. This past few weeks kasi ay medyo nakakapagod rin.

Kahit mag-isa lamang akong naglalakad sa ngayon, I can see in my peripheral view that some maids and knights is secretly following me. Cross' order.

Pababa na sana ako ng bulwagan ng hindi sinasadyang makita ko ang bulto ni Xian na papasok sa throne room. Agad na nangunot ang noo ko. Ano naman kayang ginagawa nila rito?

Susunod sana ako ng agad na humarang sa harap ko si Kuya Eros.

"Kuya, anong ginagawa nila dito?" Hindi na ako nagpatumpik-tumpik. I'm really curious.

"Royalties and the Elites was called for a meeting, Xeixei" kuya said. His tone seems like telling me not to ask more. I nodded. Wala naman akong magagawa pa diba? Maybe it's confidential since kuya doesn't want to mention about the meeting. Nagkibit-balikat na lamang ako at umalis na. Si Cross na lamang ang tatanungin ko mamaya

Napagpasyahan kong dumeretso muna sa kusina upang magpahanda ng cookies. I suddenly craved for it. Halos isang oras rin akong nag-antay. Nagpasalamat ako kay Chef at kumuha lamang ng anim na piraso ng cookies upang may makain ako habang naglalakad. Nakarating ako sa garden ng hindi ko namamalayan, umupo ako sa damuhan para magpahinga at para makakain na rin.

Altherra is really beautiful. They value nature. Sa tingin ko ay Altherra ang pinaka tahimik sa lahat ng imperyo. Bihira lamang krimen. Wala ring mga bandido. This Empire wants peace.

Nagnilay-nilay lamang ako hanggang sa makarinig ako ng papalapit na yabag. Agad na napalingon ako sa isang direksyon. Nagtama ang mga paningin namin.

Agad na sinamaan niya ako ng tingin. Malayo pa man ang agwat namin ay tila ba gusto na niya akong sugurin. Hindi ko na napigilan pa ang mapataas ng kilay. Sa lawak ng palasyo, dito pa talaga siya nagawi, kung nasaan ako.

"Xeiryz" madiin at bakas ang galit na sambit niya ng makalapit ito sa akin. May layo na limang yapak sa akin. Nagtaas ako ng tingin. Ngumiti ako ng malawak.

No Longer A VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon